gesmunds
"Sometimes things hit you in the most unexpected ways"

Paggising pa lang sa umaga mabigat na pakiramdam ko. Alam ko kasing merong mangyayaring ayoko sa araw nato. Ideya pa lang nakakabad trip na, dagdagan pa isang text message mula sa taong yon na mababago ang schedule ng pagkikita nio. ansaya diba? sira ang plano ko para sa buong araw.. minsan na nga lang maglleave- napurnada pa! good morning to me!

Should be Schedule:
* 9 am - meet my former HR head, punta sa SSS para mag-ayos ng mga dokumentong kelangan ayusin
* 12 pm - lunch
* 1 pm - mall
* 3 pm - go to my dentist
* 4:30 pm - go to a doctor - check up
* 6pm - home sweet home!

Instead Schedule:
* 9 am - lunch
* 11 am - lumabas ng bahay - hindi alam kung san pupunta.

Sana pumasok nalang ako, at least may masayang kausap sa opisina. Pero kelangan kong samantalahin ang once-in-a-blue-moon-leave ko.
Dapat rin nanahimik na lang ako sa boarding house,, pero grabeng nakakabato ang presensya ng tv na walang cable at ng kamang nanghihikayat na matulog.

Sumakay ako ng jeep mula muntinlupa, hindi ko alam kung san pupunta.. matapos ang halos kalahating oras na byahe nakarating ako ng binan, pinababa na ko ng driver. sumakay ulit ako ng jeep. tulala mode. ewan ko, gusto ko lang bumyahe, mawala, mapagod, lumayo. ang dami daming laman ng utak ko kahit labas-pasok lang naman ang mga ito..

* ayokong makita ang dati kong hr head at mag-ayos ng mga inaamag na mga files sa sss. hindi ko na trabaho un! na-turn over ko na sa kanya, bakit ako pa rin hinahanap nio?? isa pa, ayoko nang balikan ang mga bagay na tapos na sa akin.
* Wala na kong pera - ang haba ng August, ayaw pa matapos! ggrrr...
* gusto kong manood ng senate investigation ng pnp - di ko magawa, waalng cable!
* namimiss ko na ung dalawang close friends ko! ung isa serious sa pag-aaral, ung isa naman serious na sa girlfriend. wala na kong kakulitan, wala na kong kasabay kumain ng dinner, wala na kong kahagikhikan, wala na kong kausap ng malaliman. i must admit, namimiss ko na sila., nakakamiss din pala sila! wahehehe...
* love life ko - major major wala nang nagiging progress! TSE!!! :)
* at marami pang iba.

* 1pm - napunta ako sa cabuyao,, sa isang monastery doon.. madalas ako dun dati nung taga roon pa ko. Poor Claire Monastery. pag gusto kong ipahinga ang isip ko, dun ako napunta,, 3 years na since narelocate ako, kaya ngayon lang ako nakabalik dun. nagulat ako sa sarili ko, hindi ko pinlano, dun nalang ako dinala ng jeep. sarap talagang kausap ni Lord,, parang nagiging okay ang lahat. thank you po. :)

* 2:45 pm nakarating na ko agad sa sss office. dumating ung dati kong mam 3:10, not bad. sa lahat ng nangyare,, ayos ang kinalabasan ng meeting. mahabang proseso pero ang maganda nasimulan na. yeah!

* 6 pm - check up- buti nahabol ko pa ung isang doctor.. kaso wala na ung dentist ko.

andaming nangyare sa buong maghapon,, napagod ako kakabyahe,, amoy usok na ko!
minsan magugulat kana lang sa pwedeng mangyare kahit na alam mo na ang dapat iexpect. masaya din pala makareceive ng mga little surprises mula kay lord. parang sinasabi niya na: "my dear, dont under estimate me"

just when i thought that today is gonna be an undesirable day,, but it turned out to be a meaningful one!
Hanggang sa susunod na trip ride!

Currently Playing: You Already Know by Train
7 Responses
  1. amoy usok ka na? haha. blessing 'yan - di ka lalapitan ng lamok at inilayo ka sa sakit na dengue. joke - korni lang.


  2. krn Says:

    minsan magugulat kana lang sa pwedeng mangyare kahit na alam mo na ang dapat iexpect. masaya din pala makareceive ng mga little surprises mula kay lord. parang sinasabi niya na: "my dear, dont under estimate me" --can relate to this :) minsan naiisip ko din walang magandang magyayari dahil inaasahan mo na ang mga mangyayari, but at the end of the day, masaya din pala. tama ka, don't under estimate the lord coz He can do miracles. napahaba yata comment ko ahehe :)


  3. fiel-kun Says:

    Chillax! mag-judge ka muna haha XD

    Naku, minsan talaga sa buhay ng tao nakakaranas tayo ng tinatawag na "burned out"... ganyan siguro ang nararamdaman mo. Buti na lang nanjan lagi si Lord, laging naka-agapay sa atin ^_^

    God Bless!


  4. Anonymous Says:

    God works in mysterious ways ika nga.

    Ganyan din ako minsan. tulala mode. magddrive lang ako kung san san at magsasayang ng gas. ngayon di na. recession mode na eh. haha!

    sometimes alone times are healthy for the mind and the soul :)


  5. Anna Says:

    hello girl,

    nagyaya ng EB si kikilabotz sa trinoma, bukas ng 11 Am (sept 4). i am hoping you can come din. send me an email po ah.


  6. Jag Says:

    Ganyang ganyan ako pag maxadong preoccupied ang utak sa lahat ng bagay...napapadpad sa kung saan saan hehehe...

    Nakakagaan nga ng loob pag kausap si Lord...Agree!


  7. Rico De Buco Says:

    ako lately palagi akong lutang..sa trabaho..sa lovelife in a negative way at sa dami dami pang bagay. ganun tlg minsan parang wlang kakuwernta kuwenta ang lahat pero in the midst of looking around u will find enlightenment in the end.at least kahit paano nkapagsoul searching ka..

    dumalaw po..pwede po bng xlink?