gesmunds
Mula umaga hanggang gabi, wala akong ginawa kundi lumakad at bumyahe. kakaloka! Kinailangan ko kasing asikasuhin ang mga reports ng company namin sa ibat ibang government agencies. nakapanood pa tuloy ako ng SONA sa loob ng BIR office.. pero nakakainis ang mga reaction ng mga tao dun.. puro duda ang laman ng mukha nila habang nakikinig ng SONA ni Pnoy.

Ngayong gabi,, hindi pa rin ako napagod,, imbis na umuwe,, mas pinili ko munang pumunta sa isang mall.,,wala kasing magawa sa bahay. Napadaan ako sa Tom's World,, parang masaya kasi ang sounds sa loob kaya pinasok ko! Hindi kasi ako mahilig pumunta sa ganun kasi siguro hindi din ako sinanay ng mga magulang ko.

Nanood lang ako sa mga naglalaro, naaliw naman ako! :)

Sumubok ako ng dalawang mga laro.. natatawa lang ako sa sarili ko, hindi makapaniwala sa ginagawa ko..
Hanggang sa nakita ko ang Betty's Bling (Piso Machine) na pinaglalaruan ng isang babae.. mukhang madali lang, mag iipon ka lang ng maraming tickets, tapos may redeemable na mga prizes :)) interesante,, naman.. kaya imbes na mapunta sa wala ang pera ko, aun nalang ang pinagkaabalahan ko, baka maganda pa ma-claim ko na prize.,, pasalubong ko na rin sa mga pamangkin ko!

I got 106 tickets within 20 minutes,, not bad! surely i'll be back for more.
Im in my poignant mood again but i have nothing and no one to blame for this time.
thanks to a place like tom's world,, how consoling..

Currently Playing:
Somebody by Bonnie McKee