gesmunds
"I wonder what she would say to me right now if she could see me and see how I've been living and I wonder if she knows most days I fall short of being the person she wanted me to be... You know my life is pretty good, it is. But I was just searching for something to make it great just something to make it matter, so, I don't know..." - Peyton Sawyer, One Tree Hill


Today is my Mom's 11th death anniversary.
Usually nagpopost ako ng tungkol sa kanya. kung kumusta na ko sa mga taon na nawala siya, kung sino ako ngayon dahil sa kanya, at kung ganu ko siya namimiss.
Pero di ko siya magawa dahil punong puno ang isip ko ngayon ng mga halu-halong bagay.

Hindi ko maintindihan, dati okay naman ako.. para sa 11 years, natanggap ko na wala na siya..

okay lang naman na maaga akong naging independent.. na naging self learner... macgyver pa nga ang tawag sakin ng friends ko kasi kahit mga imposibleng bagay nagagawa ko katulad ng pag-akyat sa likod bahay at pag-unlock ng mga pinto.

okay lang na wala akong debut party nung 18yo ako kasi wala na siya para mag-asikaso, di gaya ng sa ate ko na super engrande. sabi ko okay lang na sa beach nalang ako nagdebut kasama mga friends ko, pero deep inside, gusto ko rin ng mga 18 roses at party-party.

okay lang na hindi ko natutunan kung anu ang ibig sabihin ng graceful at sweet sa pagiging isang babae, ung daddy ko kasi masyadong matigas, ni hindi nga kami niyayakap nun e., hindi rin marunong magsabi ng kind words.. barkada ko pa puro lalaki, so kumusta naman ako??!

Lagi kong naiisip na okay lang ako, na naka-move on na ko since nawala siya..
Pero ngayon bakit andami dami kong tanong...

Mommy..
dati nung bata pa ko masaya na ko pag pinaghahati-hati mo saming magkakapatid ang isang balot ng m&m at kisses, bakit po ngayon hindi ako makuntento kahit andami dami ko nang kayang bilhin?

dati ang saya-saya nating buong mag-anak na nagsisimba twing linggo,, bakit po ngayon parang ang layo-layo ko na kay lord?

dati sabi nio sakin may tamang oras ang paglalaro. sa umaga hanggang 8-10 lang ako dapat nasa labas kasi masyado nang mainit, sa hapon naman 4-6 lang dapat kasi masama na maglaro sa gabi. sa ngayon po, kelan ko po ba masasabi kung dapat na kong tumigil o pwede pa kong magpatuloy?

lumaki ako na masayahin at alam nio po na dahil yun sa marami kong kaibigan. pero ngayon na marami nang nagbabago at marami nang umaalis, unti-unti kong naramdaman ang sakit dahil sa pagkawala nila.. bakit po parang nahihirapan na ulit akong magmahal?

bakit po natutunan ko na hindi umaasa sa iba pero nakakaramdam ako ng inggit sa iba na hindi kaya mabuhay nang walang ibang tao sa buhay nila?

bakit po hindi ako natutong maging sweet? para tuloy lagi kong ipinipilit ng sarili ko sa iba?

maliban po sa mga recipe na naituro nio sakin,, anu po bang recipe ng happiness? sana naishare nio sakin yan kasi dati parang ang saya-saya ng buhay nio.

Look at the brighter side of everything ika nga... Pero mula pa noon, un na ang mind-setting ko kaya masasabi ko na okay lang ako.. lagi akong nakangiti, masaya. pero may mga panahon na hindi ko alam kung totoo pa ang mga ngiting un. Minsan hindi sapat ang 'looking at the bright side of everything'. Andaming nawala sakin nung kinuha siya ni lord. andami kong gusto malaman na hindi kayang ibigay ng ibang tao, siya lang, kaso wala na siyang pagkakataon, ganun din ako. Marami pa pala akong dapat natutunan, sana mas nakilala ko pa siya., pero alam ko sa pagkakataong ito wala naman akong dapat sisihin. Life goes on pa rin ang drama ko at magiging paulit ulit nalang ito.

Ang daming nagsasabi na sobrang kamukha ko daw kayo lalo na nung dalaga pa kayo. :)
I miss you 'My! un lang naman ang gusto kong sabihin. Kahit short lang naging pagsasama natin, nakatatak na un sa isip ko, at kahit 11 years na ang nakalipas, hinding hindi ko pa rin nalilimutan ang bawat sandaling un.

I love you 'My! Hanggang sa muli nating pagkikita! :)


Currently Playing: Time in a Bottle by Jim Croce, Dare You To Move by Switchfoot,
9 Responses
  1. krn Says:

    hayyyy... namiss ko tuloy ang aking father and brother. like your mom they passed away. so swift. maraming mga tanong left unanswered simula nung nawala sila. siguro ibang iba ang buhay natin kapag andito sila ngayon. but still, i hold on God's will and purpose, and so do you. :)


  2. Anna Says:

    ang lagi ngang sinasabi always move foreward. so ayun, be positive na lang lagi. wag mapagod sa problema na binabato sa atin, hindi naman mauubos yan. pero kung good aura tayo lagi, keribels lang yan. =)


  3. Jag Says:

    Namiss mo nga ang mama mo...I believe nanjan lang xa parati at pinagmamasdan ka...

    yun ang natutunan ko, ang buhay ay may katapusan pero wala tayong karapatang tapusin ito habang tayo'y nabubuhy pa...


  4. -=K=- Says:

    Hay. Just hang in there and stay strong. Good things will come your way because your mom is watching over you. Ndi ka man malapit ngayon kay Lord pero sya ang bubulong kay Lord to make things happen for you. :) Stay positive!


  5. Artiemous Says:

    nakarelate ako sa blog mo... pero sa akin erpats ko naman. di ako iyakin pero naluha ako habang binabasa ko blog mo...


  6. fiel-kun Says:
    This comment has been removed by the author.

  7. fiel-kun Says:

    Aww... I didn't know that you already lost your mom. Mahirap talagang mawalan ng mahal sa buhay, lalo pa at sobrang close ka sa kanya. In your case, yung mommy mo. Sabi nga nila, para kang naputulan ng isang paa pag nawala ang isa sa mga parents mo. I know there's no perfect words to comfort you, pero lagi mo lang tandaan na nanjan lang si LORD, handang umagapay sayo. Wag kang makakalimot na tumawag lagi sa kanya sa mga panahon na feeling mo is nagiisa ka. You can find true happiness and peace of mind with him. Have faith!

    God Bless!


  8. gesmunds Says:

    @karen,, totoo nga,, daming unanswered questions..
    thank you girl!

    @anna,, good aura ah? yan ba sikreto mo?? dont worry il try to be more positive,, momentarily lang naman to.

    @jag,, hindi naman po ako magpapakamatay.. hehehe.. literal lang. i know what you mean,, i have to live my life with LIFE. thanks dude!


  9. gesmunds Says:

    @K,, thanks girl! ngayon lang to, naalala ko kasi siya.

    @artiemous,, namiss mo rin ba erpat mo? salamat sa simpatya pre!

    @fiel-kun,, yan ang pinakamahalagang natutunan ko sa mom ko,, to have faith. though im faar from Him, i know that He's guiding me always in every way i take. maraming salamat fiel! :)