gesmunds
gumising ako kaninang umaga, nagmamadali.. dahil lagi nalang ako nalelate ngayon sa trabaho... last week ko naman na kaya hindi nako sinisita.. pagdating sa office,, timpla ng kape.. sabay nagpatawag nako ng meeting ulit para sa pagtturn over ko. busy buong maghapon... hanggang sa namataan ko kung anung petsa na ngayon...

September 9, 2009.

isang linggo nang naka-on ang alarm ko para sa araw na ito... hindi ko nalimutan pero hindi lang ako makapaniwalang ngayon na pala un... ang bilis ng panahon,, hindi ko namalayan.. ika-10 taon na pala nang kinuha ka ni Lord sa piling namin.

plano ko umattend ng Mass para sayo. at dahil kinailangang mag overtime, hindi ko na nagawa. tumawag ako kay ate,, malungkot niyang ibinalita sa akin na may sakit siya at hindi niya kayang pumunta sa bayan para makapagsimba gawa walang mag-aalaga sa mga bebi niya. pero pare pareho kaming nagdasal para sayo.

sa loob ng sampung taon, kahit masakit ang paglisan mo, hindi ko mapigilan ang pagiging proud na ikaw ang Mom ko! tuwing napag-uusapan ang mga nanay talagang hindi ako nawawalan ng kwento tungkol sayo. tuwing may nakikilala akong mga kaibigan na may nanay pa, inggit na inggit ako.

iniisip ko tuloy kung kasama pa kita,, malamang numero unong tagasupsrta ka sa mga pinagsususulat ko! siguro lagi tayong nalabas, nagwiwindow shop, nakain sa labas, at nanonood ng sine. simple lang kasi kaligayahan ng mo e,, sayo siguro talaga ako nagmana. siguro ikaw rin ang madalas kong kachikahan kapag may insomia attack ako., si ate kasi lagi nakong tinutulugan pagnagkkwento ako every weekend pag umuuwi ako.

sa awa ng diyos unti-unti na rin po akong nagiging okay sa kabila ng pagiging wasak ko ngayong taon. sayang, kung andito ka,, siguradong matutuwa ka sa progress sa buhay ko, masaya ka ngayon kasi ok na ang career ko. siguro magiging proud ka rin sakin. at alam kong ikaw din ang numero unong sasaway sa mga natutunan kong bisyo.

sayang mom, sana kasama ka namin.. alam mo, naging close na ulit pamilya natin.. alam kong gustong gusto mo un..
nga pala, makukulit na mga apo mo.. :)
si dad busy sa business niya pero masaya siyang nauwi sa bahay kasi madalas kumpleto kami.

sana nga pala nakilala mo mga kaibigan ko na humihila sakin pataas. ok sila kasama, sigurado magkakasundo kayo lalo na sa videoke sessions!

sana kung nandito ka,, lagi na kitang maittreat! anung gusto mo, palabok ng jolibi o lomi ng chowking? bibili tayo! kahit anung gusto mo... naisip ko nga minsan anu kaya kung ngayon ka nagkasakit at nangailangan,, may pambili na tayo ng mga tamang gamot para sayo,, mas maaalagaan ka namin kasi kaya na namin ngayon.

hayyy,, ayoko nang maluha.. lalaki lalo ang eyebags ko. alam ko namang mas ok kana ngayon. pasensya kana kung lagi kitang naddisappoint. malabo man sabihin na iniaalay ko sayo ang bawat ginagawa ko, pero hindi ko maiwasan ang magkamali. kulang talaga siguro sa guidance. pero tama ka, may tamang timing talaga si God sa lahat ng bagay! gaya ngayon... :)

i love you Mommy! we miss you so much!

currently playing:
TIME IN A BOTTLE by Jim Croce
If I could save time in a bottle
The first thing that Id like to do
Is to save every day
Till eternity passes away
Just to spend them with you
If I could make days last forever
If words could make wishes come true
Id save every day like a treasure and then,
Again, I would spend them with you
But there never seems to be enough time
To do the things you want to do
Once you find them
Ive looked around enough to know
That youre the one I want to go
Through time with
If I had a box just for wishes
And dreams that had never come true
The box would be empty
Except for the memory
Of how they were answered by you
But there never seems to be enough time
To do the things you want to do
Once you find themIve looked around enough to know
That youre the one I want to go
Through time with

special thanks to reigun.. eto na, nagawa ko na ung post para sa mom ko! tnx! :)
9 Responses

  1. Reagan D Says:

    mula sa isang naulila rin ng magulang, mahirap man, pero for sure, the best ang guardian angel mo.
    and i always believe na yung love transcends lifetimes, kaya maffeel nya kung anu man ang nais mong iparating sa kanya.
    kaya, whenever you feel sad, just always look up, pray, and she'll be there to help you smile. ^_^


  2. Deth Says:

    nakakatats naman 'to...
    for sure you're mom is proud of you and she's always beside you:D listening to your stories even when your ate is sleeping na...nakikikanta sa bawat birit mo sa videoke at ngumingiti sa tuwing may bago kang accomplishment sa buhay:D


  3. Anonymous Says:

    awww...sobrang nakakahipo naman to. nanlambot ang puso ko. pramis..


  4. April Says:

    Nakaka-touch nmn ang post na ito. Don't worry alam ko nmn na maraming pang nasa tabi moh lang ang nagmamahal sayo at sumosuporta. ;D Oo nga pala, ia-aad kita sa blog list koh, kaso diko pa sya naayos. ;D Pag naayos koh na, ilalagay koh ang blog moh. ;D

    April
    Stories from a Teenage Mom
    Mom On the Run


  5. gesmunds Says:

    to Jepoy ~ cool to know, natats kita.. thanks, nappreaciate mo.. :)

    to reigun ~ love transcends lifetimes, i believe that.. at sobrang masaya ako dahil alam kong ginaguide niya ko palagi.. thanks...
    idol kita reigun.. keep it up :)


  6. gesmunds Says:

    to deth ~ answeet naman.. salamat deth.. sana nga.. :)

    to chikletz ~ npalambot ba? thanks.. one reason din why i keep on sharing my mom's story e para sa mga mambabasa na mas mahalin niyo pa lalo ang mga parents niyo hanggat nanjan pa sila. kasi may iba na nawalan na ng pagkakataon...

    lets cherish life! :)

    to basyon ~ salamat, salamat...
    i know that you're doing a great job as a daughter and as a mother.. you're so blessed! love much! :)


  7. Unknown Says:

    touching! your mom is always there with you :)

    ... by the way, may award ka from me . grab mo na lang sa blog ko:

    http://serenityoverload.blogspot.com/2009/09/strengthen-friendship-award.html


  8. Unknown Says:

    hey there, sweet naman.... awesome..