gesmunds
"Ida Scott Taylor once wrote: Do not look back and grieve over the past, for it is gone; and do not be troubled about the future, for it has not yet come. Live in the present, and make it so beautiful that it will be worth remembering." - Lucas Scott, One Tree Hill

I'll be okay soon! :)
Currrently Playing: Middle of Nowhere by Hot Hot Heat
gesmunds

"these past few days, mdami akong na-realize about sa family ntin... KANLUNGAN...
tau kc masaya, magulo kpg mgkksama.... tamang kwentuhan.. ung walang bahid ng yabangan... o kng meron man eh, noone is taking it against the other.. kumbaga simpleng yabang... hndi nkakainis.... hndi nkakabad-trip...

tau ung nagdadamayan when it seems the whole world is upon our shoulders... kahit saang lupalop ka man ng mundo nandon...

pg merong di nagkakaintindihan... pinaparating sa isa,,, not because pra pag-usapan lng, but because, gusto nting maayos ung gap or misunderstanding na meron..

msarap sa pakiramdam kpg ganung klase ng tao ung nkpalibot sau.., at ngyon ko lng tlga narealize kng bakit ganito kalapit sa puso ko ang kanlungan.... these are the reasons why i treasure all of u above anything in this world... (aside from my family, of course.. bru, seems familiar ba??)

love ko kaung lahat... though i may not be able keep in touch to ALL of you... pero malapit kau sa puso ko... you had me at my worst... and you will still have me at my best....

and i am referring to all of you na nakakabasa nito...." from my very dear friend, Donna


Mahal ko ang pamilya ko sa Kanlungan. Mga kaibigan ko sila since college, kasama ko sila nung unti unti kong nakikilala ang sarili ko at nang magsimula akong mabuhay ng may kahulugan. Malaki ang naging bahagi nila sa kung sino ako ngayon.

Sa maraming taon ng pagkakibigan, marami rin ang nabago. Maraming beses naming napag-usapan na sana hindi na tumakbo ang panahon at manatili kaming mga magkakasama at magkakaibigan. Pero gaya ng maraming bagay, natangay kami ng ikot ng mundo. May nangibang bansa, nangibang lugar, may nag-asawa na, at maraming nagpursue ng iba pa nilang mga pangarap. Pangako namin, walang limutan, na mananatili kaming magkakaibigan kahit magkakalayo.

Alang-alang sa barkada, ititigil ko na ang pag-eemote kong to.
Kahit alang kong sobrang didikdikin ang puso ko araw na un.
Sa lahat ng reunion, ito ang pinakakaasam-asam ko na hindi ko mapuntahan.

Pero alam kong hindi lang to tungkol sakin, tungkol to sa aming labing-lima na magkikita kita matapos ang mahabang panahon, lalo na sa iba na galing pa ng ibang bansa.
Pangako, alang-alang sa tropa, kalilimutan ko ang sarili ko kahit isang araw lang.
Alang-alang sa pinagsamahan, kakayanin ko., kung tutuusin wala rin naman silang alam at wala silang kasalanan.

Kaya pangako, sa December, okay na ko.

Currently Playing: Cinderella by Stage Crew and Kanlungan by Noel Cabangon
gesmunds

Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ko magsusulat ng kahit ano tungkol sayo.. na hindi na kita aalalahanin pa.. na wala na kong babalikan na matamis na nakaraan kasama ka...


“kaninang umaga nagising akong may bakas ng ngiti sa mukha. Kasama kita sa aking panaginip, sasabihin ko dapat sayo..” -Pupil


Dati rati lagi kitang napapanaginipan kasi malamang, lagi kang laman ng isip ko. Pero mula mga humigit kumulang isang taon mula nang umalis ka,, sobrang dalang na ng mga panaginip ko tungkol sayo,, hanggang sa tuluyan nang mawala.

Hanggang nung isang gabi,, muli kang nagpakita sa panaginip ko.

Siguro kasi kahit pigilan ko ang sarili ko, kahit ibaling ko sa ibang bagay ang aking isip,, hindi ko maitatanggi na lagi pa rin kitang naaalala.


Ilang taon rin ang nagdaan,, salamat sa mga minsanang pagch-chat, medyo nau-update rin natin ang isa’t isa. Masaya ako sa mga minsan na un, kahit papano nabubuo ang pag-asa ko. Hindi ko alam kung kelan at paano unti unting nawala ang communication natin. Maraming panahon na busy ka at minsan ako naman.


Alam kong hindi ka agad naging mapalad sa pangingibang bansa. Marami kang sakripisyo at pait na dinaanan, nakukuwento mo yun sakin dati, naalala mo pa ba? Nakakalungkot noon kasi wala akong kayang ibigay sayo kundi moral support na alam kong hindi sapat. Pero masaya ko pag sinasabi mong, salamat sa oras ko.


Sa ilang taong paghihirap at paghihintay, unti-unti mong naabot ang mga pangarap mo. Ngunit kasabay nito ang marami ring mga pagbabago. Pagbabagong naging sanhi ng paghihiwalay ng mga landas natin na malabo nang magkasalubong sa hinaharap.


“Sana pag alis ko,, ituloy mo rin ang mga pangarap mo..”


Nagpursige rin naman ako dito sa Pilipinas. Sa awa ng Diyos okay na ang trabaho ko ngayon di kumpara dati na wala akong ginawa kundi ang magreklamo sayo.

Hindi lang ako, pati ang iba pa nating barkada, isa-isa na ring nakakuha ng diskarte para makaangat sa buhay.


Matapos ang lahat ng paghihintay at pagtitiis dahil sa kawalan ng presensiya mo,, sa wakas uuwi ka na. Sobra kitang namiss! Kumusta kana kaya? Ganun pa rin kaya ugali mo, o baka suplado kana ngayon? Anu na kayang itsura mo? Pansin ko sa picture mo sa fb,, tumaba ka,, hehehe, bagay naman. Sabi mo sakin magpataba ako, well,, eto, nagpataba na ko ng bilbil at pisngi,, kaya ngayon hirap naman akong magdiet.

Wala na kong masyadong hinaing sa buhay,, hindi na ko galit sa mundo masyado, in short,, retired na ko sa pagiging emo. Ung problema ko sa tatay ko, hindi na mawawala un,, natutunan ko nang tanggapin na ganun siya talaga. Un ung pilit mong pinapaintindi sakin dati.

Nung umalis ka, naging guide sa kin ung mga advices mo, lagi kong naaalala ung mga pinag-usapan natin.


Marami pa kong gustong ikwento sayo. Marami akong gustong sabihin… Sana makapagkwentuhan naman tayo.. Un nga lang marami kang kailangang gawin at bisitahin sa pag-uwi mo. Alam ko ring magiging abala ka dahil sa kanya.

=0=


Hindi ko naman masasabing hindi totoo ang naramdaman ko sayo.

Halos nandun na tayo, pero pagkakataon ang nagpasya. Kailangan mong mangibang bansa para hanapin ang sarili mo at tuparin ang mga pangarap mo.

Mula noon inasahan ko na na mangyayari ito. Pinilit kong kalimutan kana lang kesa umasa pa na may patutunguhan pa ang sitwasyong ito kung saan wala akong panghahawakan.

Mahirap din ang tanggapin sa sarili ko na hindi na matutupad ang pangarap ko na maging tayo.

Masyado nang malayo at malabo.

Dati sabi ko, pagbalik mo, hindi na ko duwag. Pero ngayon, wala na kong dahilan pa para maging matapang pa para sayo.


:)

Sana nalang makapagpasalamat nalang ako sa ginawa mo para sa kin.

Salamat sa pag-encourage mo na iayos ko ang buhay ko. Salamat kasi nalaman ko ang halaga ko dahil sayo. Alam kong para sayo wala un, pero mahalaga un para sa kin.

Salamat dahil natuto akong magmahal sa sarili ko, in the same way na natuto din akong magpakita ng pagmamahal ko para sa iba.

=0=


Sana sa pag-uwi mong ito, magkaroon na ng tuldok ang mga tanong sakin. Sana maging malinaw na ang lahat at matahimik na ako. Sana makapagsimula na rin ako muli.



Sana sa susunod na tatlong taon, mas mabuti na tayong tao.

Salamat. Kita-kita sa dulo!


Currently Playing: Ang Katulad Mong Walang Katulad by Orange & Lemons, Bright Lights by Matchbox 20, Dyad by Dong Abay, The Man Who Can’t Be Moved by The Script, Doesn’t Mean Anything by Alicia Keys


“Sa puso at damdamin hindi ka maglalaho

Lagi kang iisipin kahit nasa malayo

Wag sanang kalimutan kapag ako’y wala na

Na nagkasama minsan sa hirap at ginhawa.


Ako ay nangangarap na lagi kang makita

Alam ko na mahirap mag-antay ng pag-asa

Makinig ka sana sa sasabihin ko

Ikaw ang ala-ala na maganda ang mundo.” -Dyad



Guess it’s worth cheating. I still love you.

gesmunds
"Hindi porke tawa nang tawa, masaya!"
Makukuha ko na bukas ung inaasam asam ko na Ipod Touch 4th gen.
Ilang gabi ko rin siyang sunod-sunod na napapanaginipan. Ibang klase ang excitement.
And now, I dont know.. I should be happy, right?

Ampucha,, ang labo ko!
Parang di na ko masaya. Parang naubos ang saya ko sa paghihintay. Parang ang tagal tagal kasi.
Well, ewan ko nalang kung dumating na talaga siya, at nasa mga kamay ko na..

Maliban sa usapin ng Ipod,, for some reasons,, nalulungkot ako.
Isang malaking factor kung bakit hindi na rin ako natutuwa sa mangyayare bukas.
Kaya nga bang maibsan ng materyal na bagay ang lungkot sa aking kalooban??
Sana kayanin.


*Susunduin ko na bukas ang aking new baby... First time to,, sana maging maayos ang lahat ng transaksyon. Wish me luck!

Currently Playing: Doesn't Mean Anything by Alicia Keys