gesmunds

Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ko magsusulat ng kahit ano tungkol sayo.. na hindi na kita aalalahanin pa.. na wala na kong babalikan na matamis na nakaraan kasama ka...


“kaninang umaga nagising akong may bakas ng ngiti sa mukha. Kasama kita sa aking panaginip, sasabihin ko dapat sayo..” -Pupil


Dati rati lagi kitang napapanaginipan kasi malamang, lagi kang laman ng isip ko. Pero mula mga humigit kumulang isang taon mula nang umalis ka,, sobrang dalang na ng mga panaginip ko tungkol sayo,, hanggang sa tuluyan nang mawala.

Hanggang nung isang gabi,, muli kang nagpakita sa panaginip ko.

Siguro kasi kahit pigilan ko ang sarili ko, kahit ibaling ko sa ibang bagay ang aking isip,, hindi ko maitatanggi na lagi pa rin kitang naaalala.


Ilang taon rin ang nagdaan,, salamat sa mga minsanang pagch-chat, medyo nau-update rin natin ang isa’t isa. Masaya ako sa mga minsan na un, kahit papano nabubuo ang pag-asa ko. Hindi ko alam kung kelan at paano unti unting nawala ang communication natin. Maraming panahon na busy ka at minsan ako naman.


Alam kong hindi ka agad naging mapalad sa pangingibang bansa. Marami kang sakripisyo at pait na dinaanan, nakukuwento mo yun sakin dati, naalala mo pa ba? Nakakalungkot noon kasi wala akong kayang ibigay sayo kundi moral support na alam kong hindi sapat. Pero masaya ko pag sinasabi mong, salamat sa oras ko.


Sa ilang taong paghihirap at paghihintay, unti-unti mong naabot ang mga pangarap mo. Ngunit kasabay nito ang marami ring mga pagbabago. Pagbabagong naging sanhi ng paghihiwalay ng mga landas natin na malabo nang magkasalubong sa hinaharap.


“Sana pag alis ko,, ituloy mo rin ang mga pangarap mo..”


Nagpursige rin naman ako dito sa Pilipinas. Sa awa ng Diyos okay na ang trabaho ko ngayon di kumpara dati na wala akong ginawa kundi ang magreklamo sayo.

Hindi lang ako, pati ang iba pa nating barkada, isa-isa na ring nakakuha ng diskarte para makaangat sa buhay.


Matapos ang lahat ng paghihintay at pagtitiis dahil sa kawalan ng presensiya mo,, sa wakas uuwi ka na. Sobra kitang namiss! Kumusta kana kaya? Ganun pa rin kaya ugali mo, o baka suplado kana ngayon? Anu na kayang itsura mo? Pansin ko sa picture mo sa fb,, tumaba ka,, hehehe, bagay naman. Sabi mo sakin magpataba ako, well,, eto, nagpataba na ko ng bilbil at pisngi,, kaya ngayon hirap naman akong magdiet.

Wala na kong masyadong hinaing sa buhay,, hindi na ko galit sa mundo masyado, in short,, retired na ko sa pagiging emo. Ung problema ko sa tatay ko, hindi na mawawala un,, natutunan ko nang tanggapin na ganun siya talaga. Un ung pilit mong pinapaintindi sakin dati.

Nung umalis ka, naging guide sa kin ung mga advices mo, lagi kong naaalala ung mga pinag-usapan natin.


Marami pa kong gustong ikwento sayo. Marami akong gustong sabihin… Sana makapagkwentuhan naman tayo.. Un nga lang marami kang kailangang gawin at bisitahin sa pag-uwi mo. Alam ko ring magiging abala ka dahil sa kanya.

=0=


Hindi ko naman masasabing hindi totoo ang naramdaman ko sayo.

Halos nandun na tayo, pero pagkakataon ang nagpasya. Kailangan mong mangibang bansa para hanapin ang sarili mo at tuparin ang mga pangarap mo.

Mula noon inasahan ko na na mangyayari ito. Pinilit kong kalimutan kana lang kesa umasa pa na may patutunguhan pa ang sitwasyong ito kung saan wala akong panghahawakan.

Mahirap din ang tanggapin sa sarili ko na hindi na matutupad ang pangarap ko na maging tayo.

Masyado nang malayo at malabo.

Dati sabi ko, pagbalik mo, hindi na ko duwag. Pero ngayon, wala na kong dahilan pa para maging matapang pa para sayo.


:)

Sana nalang makapagpasalamat nalang ako sa ginawa mo para sa kin.

Salamat sa pag-encourage mo na iayos ko ang buhay ko. Salamat kasi nalaman ko ang halaga ko dahil sayo. Alam kong para sayo wala un, pero mahalaga un para sa kin.

Salamat dahil natuto akong magmahal sa sarili ko, in the same way na natuto din akong magpakita ng pagmamahal ko para sa iba.

=0=


Sana sa pag-uwi mong ito, magkaroon na ng tuldok ang mga tanong sakin. Sana maging malinaw na ang lahat at matahimik na ako. Sana makapagsimula na rin ako muli.



Sana sa susunod na tatlong taon, mas mabuti na tayong tao.

Salamat. Kita-kita sa dulo!


Currently Playing: Ang Katulad Mong Walang Katulad by Orange & Lemons, Bright Lights by Matchbox 20, Dyad by Dong Abay, The Man Who Can’t Be Moved by The Script, Doesn’t Mean Anything by Alicia Keys


“Sa puso at damdamin hindi ka maglalaho

Lagi kang iisipin kahit nasa malayo

Wag sanang kalimutan kapag ako’y wala na

Na nagkasama minsan sa hirap at ginhawa.


Ako ay nangangarap na lagi kang makita

Alam ko na mahirap mag-antay ng pag-asa

Makinig ka sana sa sasabihin ko

Ikaw ang ala-ala na maganda ang mundo.” -Dyad



Guess it’s worth cheating. I still love you.

6 Responses
  1. wahha bakit ganun... naaffect ako.. whahah joke,..
    “Sa puso at damdamin hindi ka maglalaho

    Lagi kang iisipin kahit nasa malayo

    Wag sanang kalimutan kapag ako’y wala na

    Na nagkasama minsan sa hirap at ginhawa.

    parang sobra sarap pakinggin tong line na to..


  2. Madz Says:

    "Ikaw ang ala-ala na maganda ang mundo."


    ganyan din siya sa akin. :) sorry kung emo masyado lang ako affected sa post mo


  3. eMPi Says:

    nalungkot naman ako sa nabasa ko sa itaas. apektado rin hehe... hays hirap ng sitwasyon mo. pero sa tingin ko, let go ka na.... mas mahihirapan ka kasi lalo e.

    sana magiging ok ka. tc!


  4. Jag Says:

    May halong lungkot at panghihinayang ang nababasa ko ngayon...sana ok na po ang lahat...

    ingat!


  5. Unknown Says:

    wow, lahat naman siguro ng babasa sa post na to, mafeel ang sakit, or makakarelate, so it is..


  6. HOMER Says:

    Madj you know how busy I am, but I took time to read this..

    I don't know what to say.. Pwede magmura nalang? hehe joke! :D

    hmm..

    "Dati sabi ko, pagbalik mo, hindi na ko duwag. Pero ngayon, wala na kong dahilan pa para maging matapang pa para sayo."
    --- Nice line.. but my question is BAKIT NAMAN WALA NG DAHILAN PARA MAGING MATAPANG PA? Alam mo if the thing that you cant say to the person you are referring to here will eat you forever i think thats the reason para maging matapang ka diba? Mas maganda may closure sa lahat ng bagay para makahinga ng maluwag lahat.. :)

    Basta madj i felt whatever it is in your heart and mind when you wrote this..

    Godbless! ;)