gesmunds
may hindi inaasahang nangyare kaninang hapon... naloka ako! kumusta naman ang natanga sa microwave...
may dala akong popcorn na kelangang isalang sa microwave para ma-enjoy...
nagpasama ako sa officemate ko na si may na bumaba sabay tsikahan naren tungkol sa status ng resignation ko (coffee break na walang kape.. hehe). hindi ko naman first time gumamit ng microwacve oven... first time kolang magluto ng popcorn don. puro kain lang kasi ang ginagawa ko. :)
ang sabi sa instructions, 2 minutes daw ang pagluluto non, at most, 2 minutes and 30 sec. dahan dahan kong nilagay ang popcorn sa loob ng oven at pinindot ng dalawang beses ang 1 minute button. ang saya!
habang pumuputok-putok at nangangamoy na ang popcorn, tuloy ang kwentuhan namin ni may... maya maya pa, tumunog na ang "ding" senyales na tapos na ang 2 minutes. naririnig ko pa na may pumuputok pa kaya naisip ko na pindutin pa ang 30 mins. button.

langhap..

langhap...
wow.....
ding!

binuksan ko nang buong tuwa ang oven... nagulat ako sa usok sa loob nito...

waaahhh!!!!!!!!
hindi pwede!!!!!!

nasunog ang kinatatakaman kong popcorn! mainit pa nang ito'y binuksan ko... lumabas ang mas makapal pang usok... at imbis na dilaw e itim na ang mga popcorn... sa sobrang sama ng loob ke itinapon ko nalang ito...

natatarantang nagbabaan isa-isa nag mga officemates ko...

"nasaan na ung popcorn??", " anung nangyare, bakit nasunog??"


at ang pinakamasakit na tanong... "hindi ka ba marunong gumamit ng microwave??"


nagflash back tuloy ung experience ko dati few years ago, nakasunog din ako sa microwave kasama ung kaibigan ko.. dahil sa gusto namin ng madaliang midnight snack.. pinilit namin lutuin ung frozen na hotdog sa microwave... kinalabasan... isang kaawa awang tuyot na hotdog. natawa nalang ako nung naalala ko un...


buti nalang hindi nagalit ang boss ko sa nangyare... haaayyy.... dumikit ang amoy ng sunog na popcorn sa damit ko na hanggang ngayon e naamoy ko pa... sa sama ng loob ko, napabili nalang ako ng nilagang mais para miryenda.


P.S. ~ ginugle ko lang po ang picture na yan... parang ganyan kasi ung kinalabasan ng popcorn :(
pinalitan ko na nga pala ung backround song ko,, laging may natatakot kasi sa intro ng enveloped ideas ng The Dawn e... :)

Currently Playing: I Want Something That I Want by Bethany Joy Galleoti
11 Responses
  1. Anonymous Says:

    sis alam kong nagdadalamhati ka ngayon pero hindi ko napigilan ang sarili kong matawa habang binabasa ko ito. LOL!

    napakalakas siguro ng power ng microwave nyo dyan. hehe..

    nangyari na din sakin yan dati eh. sa sobrang gutom ko nagmadali akong ilagay sa microwave ung instant ramen. langya nakalimutan ko pa lang lagyan ng tubig! pagtingin ko sa loob lumiliyab na ung pagkain ko. hahaha!

    nakikidalamhati ako sayo..


  2. ay naku sayang naman, sana na lang pinili mo yung pweding kainin,hehe ako naman sa toaster nakasunog ako ng tinapay,haha pag ginugutom talaga wala sa matinong isip eh noh,


  3. April Says:

    Hi! First i want to thank you sa pagdalaw sa blog koh. ;D

    And 2nd: Oh no! Anong nangyari?! lol Just kidding. But sinabi na kasing 2 minutes lang eh, bkit moh dinagdagan. Ayan tuloy naging masalimuot na meryenda ang nangyari. ;D Pero at least nakakain ka ng corn, dapat nga lang bumili ka nalang ng pop! hehehe


  4. ACRYLIQUE Says:

    haha. baka pwede ka maglechon sa microwave na yun.

    Palaging ganyan ang nangyayari sa mina-microwave na popcorn.

    Nangyari sa akin yan. Nag-init ako ng tubig sa tasa. wala palang laman. uminit lang yung tasa.


  5. gesmunds Says:

    to chikletz ~ salamat sa pakikidalamhati... sabi nga ng boy sa amin malakas daw ung power... buti wala namang masamang nangyare sa ramen na nasunog...

    to hari ng sablay ~ i agree,, pag gutom walang matinong maisip... ;)


  6. gesmunds Says:

    to basyon ~ hahaha! oo nga no? sana nga bumili nalang akong pop para nag popcorn na rin ako! wahehehe!

    to acrylique ~ kumusta naman ang microwaved tasa??! lol!


  7. Badong Says:

    hindi ka nag-iisa! di rin ako marunong gumamit ng micro. joke. salamat sa pagbisita sa bahay ko!


  8. This comment has been removed by a blog administrator.

  9. This comment has been removed by a blog administrator.

  10. gesmunds Says:

    to badong ~ ganda ng bahay mo... natuwa ako.. :)

    to arvin delapena ~ anu nangyare sau.. laki ng galit mo ah...tsk tsk...


  11. April Says:

    Hey! ;D salamat sa pagdalaw sa blog ko..;D Asan na ang sunod na post mo? wuaaaa..Joke hehehe