gesmunds
Kagabi, sa kasarapan ng aking pagbabasa, nakaramdam ako ng pagdyingle. Dahil don, dali-dali kong itinaob ang libro kong binabasa at nagmamadaling pumunta sa banyo. Pinindot ko ang switch ng ilaw at dali-daling naupo. Nagtaka ako ng napansin ko na walang ilaw na nagbukas – pundido na siguro ang bombilya. Maya-maya pa ay naamoy ko ang halimuyak ng albatross. Ganung ganon. Bago ito kaya malakas pa ang amoy. Maya-maya pa, may biglang nagflash-back sa aking isipan sa gitna ng dilim. Lagi ring pundido ang ilaw ng cr namin sa dating bahay namin sa Panorama. Dahil sa walang nag-aasikaso non sa bahay, pare-pareho nalang rin kami nasanay na walang ilaw ron. Pero kapag kailangang-kailangan talaga, binubuksan namin ang ilaw sa likod-bahay na siyang kalikuran lang ng cr – para sa konting liwanag na maihahagip nito. Pagpasok dito ay maamoy na kaagad ang albatross na noon ay nakasabit sa tubo na di kalayuan sa gripo. Hindi nawawalan sa min ng albatros kasi kinasanayan na un kahit pa noong buhay pa si Mommy. As usual, kahit sa ganoong bagay ay nagiging nostalgic na agad ako. Sa ilang minuto ay may mga piling ala-ala ang napadaan sa isip ko. Tulad ng mga oras na nagmamadali kami tuwing umaga sa paggamit ng cr dahil may makulit na nakatok sa pinto na sususnod na magbabanyo. Ung kapatid ko, naririnig ko pa… “aba, ate, nilamon ka na yata ng kubeta dyan???!!” Dun din ako nagpupunta kapag ayokong marinig ang nakakarinding sermon noon ni Mommy =) Ilan lang yon sa napakarami. Maya-maya pa ay sa unahan ko na kinakapa ang pintuan,, natawa ako sa sarili nang napagtanto ko na nasa kanan bahagi na pala ang pinto sa banyo namin sa bahay ngayon. Magdadalawang taon na rin ang nagdaan mula nang umalis kami sa bahay kung saan kami lahat lumaki. Magdadalawang taon na pero sauladong saulado ko pa rin (o masasabi kong namin) ang bawat detalye ng bahay na yon,, na kung papipiliin ako, dun ko pa rin gugustuhing tumira hanggang sa pagtanda – sa tahanan ng aming napakasaya at walang kamatayang kabataan.


Paglabas ko sa cr, tinanong ko si ate, ‘Anong scent ng albatross ang ginagamit natin?” “Strawberry, bakit?” sagot niya. Nakangiti lang akong bumalik sa kinauupuan ko at nagpatuloy sa pagbabasa ng librong itinaob.

Currently Playing: Tama ka by Eraserheads

“Kay sarap sariwain ang malayang kahapon… ang hirap isiping ang layo ng noon…”
14 Responses
  1. ACRYLIQUE Says:

    “Kay sarap sariwain ang malayang kahapon… ang hirap isiping ang layo ng noon…”

    - Lahat ng magagndang bagay, nagiging bahagi na rin ng kahapon. Pag-alala na lang sa nakalipas ang maari nating gawin. Kasi hindi natin mababalikan pa. :)


  2. HOMER Says:

    diko binasa post mo I just skimmed through it, lam mo na masyadong preoccupied ang utak sa lawschool at lovelife! nyeta kasi eh! haha!!

    Ayus yan! Nostalgia will keep the memories burning.. :D


  3. <*period*> Says:

    nang dahil sa albatross..hehehe


  4. pen Says:

    naka relate ako :D kakatwang isipin kung papaanong ang isipan ay isang tahanan ng mga masasaya at hinid gaanong masasayang moments sa buhay natin... *buntong hininga *

    PADAYON gesmunds!


  5. kami din mahilig magalbatross hehe.

    sarap nga sariwain ng kahapon, prang kelan lang ambilis kasi ng buhay.


  6. Rcyan Says:

    albatross. gustung-gusto ko ang amoy niyan! hahaha! ang sarap alalahanin ng nakaraan at buhay pagkabata. hehehe...

    segue way lang po.

    Kuya, pwede bang bumoto ka at mag-iwan ng komento sa site na ito?
    Heheh... Patulong lang po. Desperado lang makakuha ng t-shirt ni kuya mon. Heheheh... Pasensya na po sa abala.


    http://www.designbyhumans.com/vote/detail/58792?page=1

    Pakilagay rin po na kaibigan po kayo ni Rcyan. Salamat po talaga ng marami. Pasensya na po uli sa abala.


  7. gesmunds Says:

    to Acrylique ~ oo nga.. masyado kasing malaya at masaya kaya mahirap iwanan... buong panghihinayang pa rin na hindi na mababalikan ang lahat..


  8. gesmunds Says:

    to Homer ~ hmmm... pansin ko nga,, bumabaha ng cheesyness sa spot mo,, todo! nway thanks!


  9. gesmunds Says:

    to Erick ~ onga.. nang dahil sa albatros.. nagsimula ang kalokohan na ito.. haha!


  10. gesmunds Says:

    to pen ~ iba epekto ng bawat moments sa bawat minuto ng buhay natin.. we should live life as it is!

    btw, anu ung 'padayon'?? :)


  11. gesmunds Says:

    to Hari ng Sablay ~ onga ambilis... wala kang kamalay malay, paggising mo isang araw ibang iba na ang paligid mo...

    "umiikot ang mundo at hindi humihinto.. ang lahat ng makita mo ay bago..."


  12. gesmunds Says:

    to Rcyan ~ hayaan mo, papasyal ako duon... ;)

    "umaaraw umuulan.. noon pa ma'y sadyang ganyan... walang nagbago..."


  13. pen Says:

    padayon ay isang terminonhg cebuano na ang ibis sabihin ay "to move forward" o magpatuloy...

    "ang panahon, hindi kailan mang papanig sa iyong ayon. sa oras na kailangan mo itong manatili, kusa siyang lumilipad. sa saglit na nais mo siyang lumipas, kusa siyang tumatagal."
    - PEN PALABOY


  14. jaycee Says:

    ikaw madge ang babaeng bob ong.. muli kong sinariwa ang saya ng aking kabataan.. nawala antok ko!haha..can't wait to read ur other blogs.. - jc (mongmongi21@yahoo.com)