Nakakatawa kasi maghapon akong nakikinig sa DZMM para sa mga latest updates nang ibalita nila na may isinulat sa editorial ng Washington Times na talaga namang nakakadurog sa imahe ni arroyo… isang MISTAKE raw ang pagme-meet nila ni Obama.. eto ung isang part ng article…
“The Washington Times said Obama would become a "sanitizer" for Mrs. Arroyo’s troubled presidency plagued by allegations of corruption, human rights abuses, and moves to prolong her tenure.
"The choice of Mrs. Arroyo for this honor was a mistake because Mr. Obama is being used to give political cover for the Philippine president's troubles back home," read the editorial titled Obama the Sanitizer.”
Wasak! Sabay sagot ng Press Secretary Cerge Remonde na irresponsible journalism raw at biased ang writer. Lol!
Bale ang SONA ay sinimulan ng isang panalangin para kay Cory Aquino. Salamat sa demokrasya!
Ang ilan sa mga nilaman ng SONA (o masasabi kong bato niya sa mga kritiko niya):
• Ang State of the Nation natin ay isang Strong Economy (kung un ang gusto niyang paniwalaan..ok.)
• Hindi raw siya naging president para maging popular. - Okay pa ren, sige!
• “For standing with me and doing the right thing – thank you congress.”
• For the last months of her tenure, expect not politics. Sorry but its all work. Talaga lang e parang nagsisimula ka nang mangandidato niyan!
• Time to shine! Infrastructure, Telecommunications, Employments, CARP Program, Pabahay, Loan Condonation, Hunger Mitigation Program, Low Cost generics, Average Inflation, Education… Dapat lang po!
• “There is nothing more than I can wish for but peace in Mindanao.” - gogogo!
• "Equal opportunity for a maningful job to all" - gogogo ren!
Matapang ang paglalahad niya ng SONA. Pero hindi ko makuhang humanga sa kanya. Sabi ni Gov. Salceda, we need to see the big picture in her presidency. Kahit marami siyang magagandang mga adhikain, at kahit na tayo ay nasa panahon na tinatawag na “culture of distrust’, pero dahil sa hindi pa matapos-tapos na mga kaso niya sa corruption like ZTE at Fertilizer scam, I cant get myself to see the big picture.
Hindi daw siya diktador kundi isang determinadong pangulo. – talaga?! Hindi niya binuklat ang tungkol sa umalingasaw na ConAss. Kahit ang mga kasong kinasasadlakan niya at ng kanyang asawa, pinili niya rin na hindi magkomento. Sa pagkawala at pagkamatay ng maraming mga demonstrador at journalist, wala rin ba siyang kinalaman? Kumusta naman ang diktadurya sa kamay niya? Saang aspeto tayo dapat maging determinado sa pagsulong gayong napakarami ang nagrarally at humuhingi ng katotohanan… Anu na nga ba ang estado ng bansa tungkol sa mga puntong yan.
Wala siyang nabanggit.
Sa halip ay nambato nalang siya sa mga kritiko niya.
“If want to do something, do it. Do it well… and don’t say bad words in public!” (for Mar Roxas)
Iginigiit nya ang charter change.. open naman ako sa idea na yan dahil talga namang marami kelangan amyendahin sa saligang batas.. basta hindi lang ako pabor na siya pa ren ang may kapangyarihan na magmanipula dito.. "I will step down from this stage but not from the presidency… term will end next year… I never expressed desire to extend my term". Kahit na sinabi na niya ang mga katagang ito, ngunit hindi niya nilinaw kung may balak pa siyang kumandidato.. tangnaloob, tama na!
Currently Playing: Trapo by Yano