gesmunds

Kelangang mag-desisyon.. ayokong sumuko.. walang panghahawakan. – mga bagay na naglalaro sa isip nitong mga nakaraang araw…

Whew! Paano ko nga ba ilalarawan ang linggong nagdaan? Its been such a hell! Oh my! Im sorry, I didn’t mean to say that,, pero sa tingin ko un nalang ang masasabi ng isang katulad kong ordinaryong empleyado na may hinaing..

dati nung estudyante pako, kadalasan ko lang na naririnig ang mga ganitong klaseng problema sa sociology class, mga forums na sinasalihan ko, mga immersions, atbp. Nasa kanila ang simpatiya ko,, sumali pa ko sa mga grupo ng mga estudyanteng may layunin na kumilos para sa paghahanap ng pagbabago,, kung hindi man sa buong komyunidad na kinabibilangan namin , e kahit dun man lang sa mismong loob ng paaralan namin.. naghahanap kami ng pagbabago. Ng maayos na sistema.

Pero tama nga sila,, sila na mas ekspiryensado.. iba talaga sa totoong buhay. Iba talaga kung ikaw na mismo ang nakakakita ng kabaluktatan sa sistema.. sa lipunan, sa gobyerno, sa mga namumuno dito, sa isang pribadong kumpanya (katulad ng sa amin! ugh!)..iba pa rin kung ikaw ang ay nasasitwasyon na wala kang magawa…sa mga harap-harapang mga kabalastugan.. mga injustices, mga misconducts.. minsan,, gusto kong itanong sa kanila,, yan ba ang natutunan niyo sa ilang taong mga pag-aaral sa (hindi maipagkakailang) eksklusibong paaralan?? O – yan ba ang natutunan niyo sa mga magulang niyo? Baka kulang pa kayo sa pangaral??

Hindi ba simple lang naman
sana
ang buhay kung ika’y matino??

Hay naku, sa totoo lang naaawa ako sa kanila na halos buong buhay nila ay umiikot nalang sa pag-aangkat ng salapi.. hindi na mahalaga kung sa tama o sa maling pamamaraan, kung may maapakan silang dignidad ng ibang tao na nasa paligid nila.. kung may nagugutom na mga bata na nakakakalat sa kalyeng dinaraanan nila araw-araw… ang mahalaga, may pam-boracay sila! May pang-out –of-country sila this holiday season.. may pang-hulog sila sa amortization ng mga properties na kinukuha nila, at pambayad sa mga credit cards at nang hindi maabutan ng deadline! Nakakainis! I am not against their dreams or goals in life.. mauunawaan ko rin kung sasabihin nilang “we’re just being practical” pero anu nga ba ang pagiging praktikal para sa kanila? Maiintindihan ko rin kung maghangad sila ng magandang buhay para sa kanila at ng kanilang pamilya.. wala tayong problema don,, everybody wants it! Hipokrita ko kapag sinabi kong hindi ko gusto un!

How I pity those people who don’t know how to share! I wonder if they’re really happy inspite of all the possessions that they have.. nakakatulog kaya sila ng mahimbing sa gabi?? (well, dapat lang siguro makatulog sila ng mahimbing dahil sa mahal ng bili nila sa kanilang “wonder bed” kuno!).

Well, nasan naba ako’t kung saan saan nako nakarating?? Well, its been a dreadful week for me.. alam kong ipinapakilala at ipinapakita sakin ni Lord ang ibat ibang uri ng tao at ugali na kailangan kong kasanayan buong buhay ko. I know these people around me are just imperfect as I am. I have to accept that truth in order to calm myself if circumstances wouldn’t run smooth as I wanted it. About injustices that im suffering right now,, hmm.. naniniwala parin ako sa karma at sa God’s saving grace! In short… bahala na si Lord sa kanila!

Anyway..
Right now, Im planning to concentrate so much for the improvement of myself,, that I’ll have no time to criticize others or even watch other people to take their fall.

Meanwhile I sit on my chair,, drink a lot of coffee, and await the blow. ^_^
0 Responses