gesmunds

Hi there! Wazzup with me??! Well im ok na with my work! Last week nag-asikaso ako ng mga business permits. Whew! Grabe.. ibang klase sa sistema! Harap-harapan ang mga kabalastugan! Hindi ako makapagsalita at napapailing nalang ako sa mga senyasan na nakita ko,, singitan, palakasan sa mga magkukumpanyero.. mga palusot.. well, its really a stubborn fact,, and its sad that I cant do anything about it.. kelangan ko nalang lunukin ang pride ko at makisabay sa agos.. that’s the way it is..
Sa pagkakaalam ko, compromise ang nangyari sa amin last year. At ang ginawa pala nila, inipit nila ang mga original papers namin para mahirapan kami makapag-renew this year (most probably un nga ang intension nila), so ang mangyayari nun, mawawalan kami ng choice kundi ang makipag-ayos ulit sa mga kausap namin sa “compromising” dati. Sa pagkakaalam ko, isang grupo sila, meron sa munisipyo, meron sa baranggay.. at kung hindi ako nagkakamali, pati sa BIR. Itago nalang natin sa pangalan na “conspirators” (tsarot!) Personally, ayoko na ng ganun. As much as possible, gusto ko ng legal. E ang nangyari pa dun, hinaharang pa ng mga conspirators ang aming mga papers, at talagang nahirapan akong mag-follow up.. naka apat na balik ako sa linsyak na munisipyo nayan. Bawat araw, wala akong nakikita kundi mga ngiting kabayo ng mga pangit ng mga empleyado roon. Sorry kung nagegeneralize ko,, pero sa napagdaanan ko, halos pare-pareho na ang tingin ko sa kanila. Sa bawat department,, magpa simula sa table1 hanggang 7.. sus!
In fairness, kinakabahan din naman ako talaga,, dahil alam ko namang may kabaluktutan talaga ang kumpanya namin. Kasi wala naman kami magagawa, given na iresponsible talaga ang mga boss ko at nasanay na sila sa mga hokus pokus ng dating mga naging accountant samin. Para sa akin, biktima lang rin kami. I took it as a challenge for me and I want my term in the office to be in legal, although not normal! Gusto kong iparealize sa mga boss ko na mas maganda na un legal at mas magaan sa pakiramdam. Buti nalang at nakuha kong pakiusapan ang mga tao dun sa munisipyo lalu na ung city treasurer na tipong para akong nagde-defense para ma-approve ang aming gross sales (un ang magiging basehan ng babayaran sa cedula at permits),, nung hinahanap ang ITR namin, sinabi ko nasa auditor pa, at kelangan lang talaga naming maging on time sa pagpapa-renew ng permits para hindi mapenalize,, so in short, nakumbinse ko rin sila. Kaya nakaraos ako, at nakabalik sa opisina na “accomplished”. Haaayy!! (yeah! Sinulit ko employee’s benefit! Hehe!)
Hay naku, ibang klase ang panahon ngayon.. well, I just want to thank my dad for teaching me how to make all of this! Tinuruan niya ko ng mga pasikot-sikot,, mga teknik para hindi masyadong ma-interrogate, at marami pang iba. Sinabi niya rin sakin na: “just play the game the right way! You will be held responsible for all of your actions so be careful. Wag ka masanay sa maduming laro!” at “kung ginawa mo na ang alam mong tama at hindi sumang-ayon ang mga boss mo, well, that’s not your problem anymore.. sa pagkakataong un, isipin mong empleyado ka nila at desisyon parin nila bilang mga may-ari ng kumpanya ang magpe-prevail. Ang mahalaga, you did the right thing,,, the rest is up to them!” talagang binaon ko ang mga payo na un ng dad ko, truly, Im very thankful for having him! Good thing, wala namang sinabing masama ang boss ko, at tuwang-tuwa sila na naayos na ang kanilang mga permits at higit sa lahat, nagbayad sila ng maayos sa kung magkano talaga ang due sa company namin.
Ang saya noh?! Challenge nga naman! Well.. simula palang yan.. im not even half the battle.. ang susunod.. BIR naman.. magkikita parin kami ng mga pangit na conspirators! Hmm.. Im praying for God’s guidance in every step I’ll be taking. He’s always with me,, I know! Meanwhile.. back to my chair.. play my media player with my the sounds of “piramita” esp. “hiling”.. and hey.. before I forget,, baba muna ko to have a cup of coffee!! Til then!! ^_^
0 Responses