gesmunds
Maligayang araw ng Kalayaan!
Sinabi ko bang “maligaya”? Hmmm.. masasabi kong nagunita ko ang araw na ito dahil maya’t maya ito ipinapaalala sa mga radio at tv, pero hindi ko nararamdaman ang pagiging masaya! Unang-una kasi dapat nasa GK-Isang Milyong Bayani ako, kaso hindi ako pinayagan ng pagkakataon na makadalo dito. May pinagawa kasi si Daddy, badtrip, pero ok lang. hindi masyadong makabuluhan ang araw na to para sakin di tulad ng dati. Pero kahit papano, medyo nag-alab ang aking pusong makabayan ng makapanood ako sa Knowledge Channel ng isang episode ng “Noli Me Tangere”,, hindi ko lam kung anung chapter pero un ung ep na nalaman ni Ibarra kung papanong pinatay ang kanyang ama at si Padre Damaso pala ang may pakana. Gayundin naman, ipinakita ang pag-uulayawan nila ni Maria Clara.

Bale, ngayong mga nakalalipas na araw, sobrang inspired ako sa dahil sa pagbabasa ko ng librong aksidente kong nakita at nabile. Tinamaan ako! “Tikman ang Langit, an Anthology to Eraserheads”. Koleksyon ito ng mga tribute essays ng mga fans. Haayyy… pangarap ko kasi makasulat ng ganon! Nakakatuwa kasi halos lahat ng gusto kong sabihin tungkol sa kanila e nasabi doon, lalo na sa mga nasulat nila Batacan at dela Cruz. Pero sususlat parin ako, kasi ang daming dumating na mga ideya sa kin, di pwedeng itago, baka magka-kanser ako!! ;> nabanggit ko ang tungkol sa libro kasi ngayong mga oras na to,, habang nakasalang ang sinaing ko, 6:30 ng gabi, naka todo sa cassette player ko ang Cutterpillow! Astig! Reminiscin ba?! Kalungkot lang kasi sa mga original cassette tapes ko ng Eheads, Cutterpillow, Sticker Happy at Natin99 nalang ang na sakin. Ung iba, tsk! Sa tingin ko nahiram, di nasoli, nawala, nahiram, nawala! Haay!! Ganun talaga drama ko sa mga gamit. Isa lang ang sigurado.. nalaspag muna namin sila ni Ate bago makuha ng iba! Haha! Hey, Ate, baka naman nasayo ung iba, dalhin mo next time, tapus jammin’ tayo gaya ng dati! Astig! I miss those Rakenrol times!! Mwahh!! Well gamitin ko lang ang isang linya sa libro,, “No other songs that made me so proud to be Pinoy!” pertaining to Eheads’ songs particularly to “Ang Huling El Bimbo”. Ang Cutterpillow ang masasabi kong album na perslab ko. As in, ung nauso siya, uso rin siya sakin. Di gaya nung unang dalawang album, hinabol ko nalang un e. introduced ni Ate sakin, elementary yata ko. Unang kanta na sumapi sakin.. “Mahal kita, pero miss na miss na miss ko na ang aking kama at ang malupit kong unan, bat di kana lang sumama, hihiga tayo at kakan..ta!” (Kamasupra). Tapos eto pa: “I hope we can spend more time together, a few hours is better than never, if we could only make it longer! /I don’t care if we don’t have lunch as long as we have iced tea” (Finetime). “Magkahawak an gating kamay at walang kamalay-malay, na tinuruan mo ang puso ko an umibig ng tunay” (Ang Huling El Bimbo), tong kantang to, pag naririnig ko, talaga naman,, damang-dama ko, pramis! At itong isang to naman, pag naririnig ko, napapaisip ako lagi,, at parang ngayong mga oras na to – kanta to para saken! “Nong ikaw ay bata pa, ang lahat ay masayaUmiikot ang mundo at hindi humihinto, ang lahat ng makita mo ay bago.Ay ngayong may edad ka na at lunod sa problemaNangangarap na ibalik ang kahapon di malaman kung bakit kailangan Magbago ang lahat,, magbago ang lahat sa buhay mo.Umaaraw, umuulan, noon pa ma’y sadyang ganyanAt kung ngayon lahat ng panaginip mo’y biglang naglahoPare-pareho lamang tayo, isipin mo, walang nagbago! (Walang Nagbago)
Tapos sabayan pa ng “Slomo” – waaahhh! sapol na sapol! Tungkol naman to sa pagpatay sa oras na dapat sana may ginawa ka pero di mo nagawa, atbp. Haha! Napapangiti nalang ako. “Ngayo’y alam mo na kung paano mag-isa/natagpuan ang kasagutan sa mga katanungan/lahat ay nangyayare tamang oras at lugar/ pero isa ang masasabi.. di naiintindihan ang payo ng magulang”.Hmm.. kung iniisip niyo na eto an ung sinasabi ko na tribute sa kanila,, hindi pa po. Sobrang saya lang talaga ko sa pagkakabasa ko ng libro, may parte rin kasi dun na kung pano nag-evolve ang Pinoy Rock, at kung gaano kalaki ang kontribusyon ng Eheads dito. Masasabi kong sa araw na ito ng Kalayaan, isang pagsaludo ang alay ko sa Eraserheads para sa pagbukas niya ng aking kamalayan. Kung paanong una kong napagpahalagahan ang musika sa pamamagitan nila. Kumusta naman ang sticker ko ng bandila ng Pinas sa gitara ko na itinulad ko sa kanila,, tanda ito ng inspirasyon ko na sana isang araw matutugtog ko rin ang mga awit nila! Wala akong ibang maisip na tao o banda na may malalim na impluwensya sa akin sa musika at buhay,, maliban sa Eraserheads. Mabuhay kayo at ang lahat ng ng taong naniniwala sa inyo!

0 Responses