gesmunds
Yehey! Maligayang kaarawan sa akin! Isang taon na naman ng nakalipas,, akalain mo, ang bilis nga naman ng panahon,, sinu nga ba ang ba mag-aakala na dalamput-tatlong taon na kong nabubuhay dito sa mundong ito! Hmm,eto na naman ako,, hindi ko na naman alam kung anung mararamdaman ko.. pero naramdaman ko na to dati. Siguro mga three years ago,, kasama ko mga close friends ko,, sina donna at jenny.. sa kanlungan. Naaalala ko pa,, tamang tama ang panahon na un para mag balik tanaw sa mga pangyayari sa buhay ko. (Sana naalala niyo pa.. )
Gayunpaman, napakasaya ko ngayong araw nato dahil muli ay sama-sama na naman kaming ngsimba mag-aama. Tapus kumain sa labas., parang gaya ng dati! Nung ngang papasok kami ng simbahan, nasabi ng daddy ko,, “naalala ko pa nung may kotse pa tayo,, namumroblema tayo kung san magpapark dito..” ang nasabi ko nalang,, “daddy, tapus na un”. Tama! Iba noon iba ngayon. Sobra. Dapat nang umurong pasulong!

Kamakailan lang nag-iisip ako ng kung papano ko gaganapin ang aking kaarawan. Gusto kong maghanda katulad nung isang taon. Pero naisip ko,, di ko kakayanin. Ang dami kasing nangyari sakin, daming gastusin ang kelangan kong kaharapin kaya samakatwid ay hindi aku makakapaghanda ng katulad noon kahit gusto ko. Pero isa lang ang gusto ko,, ang maging makahulugan ito tulad ng iba ko pang naging kaarawan. Pero panu nga ba? Napag-isip-isip ko, ang laki ng talaga ng pinagbago ko ngayon kumpara nung isang taon. Sa hindi ko maipaliwanag na pangyayari,, marami akong naunwaan sa buong taon. Mga pagtangap sa mga bagay-bagay na nangyayari kahit hindi ko gusto,, ang pagkawala ko mula sa nasimulan kong magandang plano sa buhay ko, ang pagkawala ng maraming importanteng bagay na nagturo sa akin na magpatuloy sa pagsabay sa agos kahit wala na ang mga ito, ang maunawaan ang napakarami kong kahinaan bilang tao at kung papaano ko ito malalampasan sa paraang hindi ko kinakailangang tumakas.
Nakakatuwang isipin n habang nas gitna ako ng ganitong pagmumuni,, hindi ko inasahang may ibibigay sa aking gawain ang Diyos na mgbabago ng aking pananaw sa kaarawan kong naturingan kong “walang buhay”. Na mula sap pg-iisip ko para sa aking sarili ay napabaling ang aking atensyon sa pag-aaral ng isang topic na kailangn kong ilahad sa isang malking grupo, na isang araw na lamang ang nalalabi nang nakuha ko ng outline. Ang isang topic na dapat ay pinag-aaralan ng isang linggo bago ang paglalahad ay apat na oras ko lamang napag-aralan at napaghusayan. Sa awa ng Diyos, sabado ng gabi, ay maluwalhati kong nailahad ang mensahe. Ako mismo ay nagulat kung papaanong nagawa ko ang isang mahirap na serbisyo para sa king mga kapatid na kung iispin ay hindi ko kakayanin kung sarili ko lamang lakas at katalinuhan ng aking gagamitin. Nagulat ako sa mensaheng napulot ko na nagmula sa sarili kong mga labi!
Mula ng gabing iyon,maliwanag ang naging regalo sa kin ng Diyos! Nagbukas Siya ng bagong pintuan para sa kin. Inilabas Niya ang isang potensiyal ko na hndi ko inasahang tataglayin ko dahil narin sa aking pisikal na limitasyon. Nagkaroon ko ng bagong pagkakakilanlan sa sarili ko. Masuwerte ako sa komyunidad na kinabibilngan ko na ginagmit ng Diyos pra mailabas ko pa ang ibang natatangi kong kakayanan nang muli pa ay makabalik ako sa dating ako, sa personal kong layunin.., mula sa dati nitong pagkaligaw.


Sa dami ng mga realisasyon na ito,, hindi lang Niya binigyang buhay ang kaarawan ko.. kundi binigyan ng mas konkretong direksyon na kakailanganin ko para sa pagpasok ko sa taong ito!! Saya diba?!! Isang matamis na paglalakbay!! ^_^ <06.18.06>