Showing posts with label buhay border. Show all posts
Showing posts with label buhay border. Show all posts
gesmunds
"Let the sun shine Let the rivers run away Coz it's a beautiful day now To play now As I close my eyes and pray Lord have mercy on me 'Coz I'm feeling kinda lonely..."

Summer noon, inaawit niya ang kantang ito,, medyo halo-halo na ung lyrics sa dulo, hindi ko na maintindihan. Ang alam ko lang ang cool ng kanta. Paulit-ulit siya, LSS niya raw. Tinanong ko ung title nung song, nagulat siya. "Hindi mo alam tong kantang to? kay Francis M. to!" Sabi ko, "Ha? Di nga, bakit di ko alam?" "Oldskul na to, himala di mo alam.." sagot niya.
Meron akong ilang album ni Sir Francis, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko nakilala ang kantang ito.. ayun na nga, ung nakakuha ako ng file, naging peborit ko narin at nagrarakenrol kami tuwing naalala namin ang kanta.

For almost 2 years now, room mate ko si Joy. Naikwento ko na rin siya ng mga ilang beses gaya rito at dito Madami na rin kaming napagsamahan. Alam na namin ang kwento ng buhay ng isat isa. Marami nang naging palitan ng mga libro at hiraman ng mga accessories. Ipinakilala niya sa kin ang mga barkada niya na ngayon e barkada ko na rin. May mga panahong nagkakatarayan, nagkakamalditahan, pero natututo naman kaming maging mature sa mga oras na kailangang pag-usapan ang mga mali. Mas nakilala ko ang sarili ko dahil sa kanya, dami kasi naming mga pagkakaiba sa point of views pero as time goes on nag-mimeet na rin. Nawitness ko rin ang progress ng relationship niya with her boyfie,, proud naman ako for them kung nasan na sila ngayon.
Kami rin ang naging refuge ng isa't isa tuwing may panget na mga araw. Di ko maipagkakaila, nung makilala ko siya at ung mga kaibigan niya, dun ako talagang sumagad sa kalokohan. Pamurningan drinking sessions for straight nights - the best! Kahit lasing, nasanay na kong bumangon ng maaga at pumasok. I know its bad pero I cant help it.
Pero dahil sa maraming headaches gawa ng hang over, natutunan ko na rin ang salitang 'No Thanks!' Masasabi ko rin naman na naka-quota na ko pagdating sa alak so kaya ko na ngayong tumanggi sa pag-gimik. Sabi nga ng ate ko, bad influence sakin si Joy, na dapat humanap na ko ng ibang room mate, pero for so many reasons,, ayaw ko. Iba kasi ung may kasama ka sa mga up and down moments mo.

Di ako nagsasawang makinig at magpayo sa kanya tuwing may major fights sila ng boyfie niya. Siya naman hindi rin nagsasawang makinig sa mga kwento ko sa love life ko.
Habambuhay kong advice sa kanya: "Hiwalay kung hiwalay! Magkaroon ka naman ng respeto sa sarili mo, hindi ung puro siya nalang!"
Habambuhay niyang advice sakin: "Maybe it's time to move on, marami pang iba dyan, itry mo uli! Ihahanap kita!"
Hahaha! wala rin nasusunod sa mga advice na un.. Isa lang ang rason,, pareho lang kaming nagmamahal at handang gawin ang lahat para dito. Suportahan nalang ng desisyon ang drama namin.
***

Biglaan siyang nakagawa ng desisyon.
Kung tutuusin wala namang magagawa. Andyan na e.
Matagal na rin niya pangarap yon kaya masaya rin siya.
Finally!
Masaya ako para sa kanya.
Un nga lang, kailangan niyang umalis.
Major major changes na naman ang drama ko.
Its either umalis ako ng bahay (dahil dodoble ang expenses ko kapag umalis siya) or may pumalit sa kanya.
Mukhang malabo ung huli.. pero sige na.. eto, baka-sakali na!
***

Guess I'm okay.. di naman ako masyadong ma-emote ngayon.
Medyo nasanay narin sa pagdating at pag-alis ng mga tao sa paligid ko.
This chapter is about to end.. bagong adventure ulit!
Actually I cant wait!
Im grateful, indeed!

Friends Forever?? Friends Forever!
I'll surely miss you girl.. (sob)


"Let the wind blow Let the wind touch my face I wanna take a little break now Shake now his is what i have to say I feel so fine So fine that it blows my mind..."

Currently Playing: Girl Be Mine by Francis M.
gesmunds
Hindi ako techie na tao, alam yan ng kahit sinong malapit sakin.
Sa unang pagkakataon, nagkaroon ako ng immense yearning para sa isang bagay. Kahit kelan hindi pa ako nagkaganito,, 'love at first sight' kumbaga! eto na talaga un! un tipong maloloka ako kapag hindi ko makukuha to!
SHARE KO LANG..


Naalala ko pa nong college ako, nung nauso ang celfone, Philips Savvy ang brand ng fone ko. pinagkakaguluhan na sya ng mga classmates ko dahil sa nakakaaliw niyang tone at dahil 2-liner na siya. After few months, napalitan naman un ng Nokia 6110, bumili kasi si Dad ng bagong fone kaya pasa-pasa ang paglevel up ng fone naming magkakapatid, so ung Philips ko napunta sa bunso kong kapatid. Tuwang-tuwa ang lahat ng mga nakakakita, lahat gustong humiram, lahat gustong maka-experience ng NOKIA! Lalu pa't ang ganda ng keypad, mas slim, tapos may infrared, at higit sa lahat,, may games tulad ng Snake! haha! Para sa akin wala un, gusto ko lang talaga ng may fone kasi marami akong ka-text dati. Wala akong pakialam sa brand, basta lang matibay. Hindi ko alam na un na pala ung kahuli-hulihang pagkakataon na makakasabay ako sa uso. I think mga bandang 2003 nung nahulog ng ate ko sa baha ung 6110 ko, kaya kailangan nang palitan. Medyo short na kami sa budget kaya hindi na ko nagdemand ng mamahalin. Since then, at kahit pa ngayong nagttrabaho nako, simpleng fone pa rin ang gamit ko. Walang hi-res camera, walang internet, walang memory card, walang mp3. Simpleng pantawag at text lang. Ayun. Masaya na ko dun.

***

Pagdating naman sa mp3 player, nakabili ako nun kasi mura lang naman, P2500.00 lang kaya gora na! nakatagal din siya sakin ng 3 taon. Maingat naman ako sa gamit e,, kung di sira o nawala, hindi ko pinapalitan. Un lang ang naging kaligayahan ko sa gadget, simpleng celfone at mp3 player,, kahit iwan mo ko sa isang tabi ng buong maghapon makekeri ko.

PAGBABAGO...

Sabi nga, kapag tumatanda, maraming nagbabago, sa expectations, sa motivations, sa standards, sa responsibilities, at marami pang iba.


***
I'm glad, isang taon na ako ngayong buwan na to sa kumpanya na to. Isang taon na mula nang nakawala sa masalimuot na sistema nuon na madalas kong maiblog dati. At sa paglipat ko, kasabay kong nakamit ang sweldo na gusto kong matamo mula pa non na hindi maibigay ng dati kong kumpanya. Lumevel up rin naman ang tingin ko sa sarili ko at masasabi kong kuntento na ko ngayon. Cheers to that! :)

***

Kinausap ako ng tatay ko isang araw, siguro mga ilang linggo palang mula nang lumipat ako ng kumpanya.
"Tulong-tulungan na muna tayo sa bahay ha. Alam mo naman un diba?"
- Opo, alam na alam ko pu yon.
Binigyan niya lang naman ako ng ilang mga finacial responsibilities sa bahay. Maluwag sa sakin un., walang problema. And since single pa naman ako, why not??
Bukod sa binibigay ko sa bahay, lumaki rin ang gastos ko sa nirerentahan kong bahay malapit sa opisina.


Sabi nga, "With great power comes great responsibility." tanggap ko yon. Ganun talaga, hindi na kasi ako bata. Pero keri lang!


***
Isang araw, nagkausap kami ni Joy (roommate)..


Me:
"Uy, anu yan.. Wow, bagong celfone!"
Joy: "
Oo, bumili na ko ng bago, para naman masabi na may nangyayare sa sweldo ko kahit papano.. ung tipong may nakikita ako na naging bunga ng trabaho ko..."

Uu nga naman,, bakit parang ngayon ko lang naisip un.


Masaya na kasi ako na nakakabili ako ng mga gamit na kailangan ko gaya ng damit at sapatos.., pati na rin ang kumain ng masasarap na pagkain lalo na't pagod ako, at nakakapasyal sa mga beach kahit ilang beses ku gusto.. un lang naman kasi kaligayahan ko talaga.
Hindi ako materialistic, pero kagaya ni Joy,, parang naghahangad ako ngayon ng "something" para sa sarili ko. Ung may makikita ang mga tao sa paligid ko na may bitbit akong bagay na pinaghirapan ko.
Pwera yabang.


***
E di ayun na nga.
Ang haba pa ng justifications ko! hahaha!
well,, i just want to have this new ipod touch!
hopefully makuha ko na siya next month,, or at least before the year ends... haayy!

ang mahirap kasi e ung kukuhanan ko,, ishi-ship pa kasi and all..
still crossing my fingers!

marami na kong plano gawin kasama siya,, gusto ko siyang isama sa marami kong mga lakad!
naeexcite na ko! ^_^


Currently Playing:
Otherwise by Imago
Taya by Up Dharma Down
Comfort in Your Strangeness by Cynthia Alexander
gesmunds

Hi there! It’s a while.. I could say that I’m really having a great time nowadays… so busy… can’t even take the time to write. Well, its me…

I have a great month… ups and downs and a lot of adventures are coming my way. Everything is happening for a lesson to learn. Great summer.. great vacation…great time… great trials to balance each.

This time I would like to tell about a new friend who happens to be my board mate. As she told me all about her life.. somehow I felt the connecting thread between us. Surprisingly, she is someone who is exactly my opposite. But we have something in common – very common.. alcohol & cigarettes… bwahahaha! We had a 1-on-1 drinking session tonight. I accepted her invitation because I know I need the comfort tonight because I feel so lonesome. She told me a lot of things about herself and I did likewise. The great thing about our talk was when she told me about her own obsessive compulsiveness (now you know why we’re so opposites). How she get so upset whenever changes comes in her way. even in petty things – like for example.. the position of her pillows in her bed.. it should be in the right location – the way she wanted it – and she feels discomfort whenever she failed to position her pillows the way she wanted it. Those little things irritates her.. she worries too much. I said she’s being hard on herself and she admits that. She makes things complicated. And that’s something that she doesn’t like about herself. And she adopts the same attitude even in other important matters in her life. then she concluded that its because of the effects of the painful memories she had from her childhood (I will not elaborate on this part – very long story hehe!) I was amazed when she told me how she envy me. (Whattt??? Hmm.. yes she told me that! But just a bit). She told me that she wish she was like me… carefree.. who doesn’t worry even if my slippers are just scattered beside my bed.. my necklace is just in my bed instead of being on my bag or somewhere (not in my bed!).. my notebooks, books and other reading materials are just in the other side of my bed., instead of being in the bookshelf… my pillows and blanket aren’t neatly placed in my bed when I leave it in the morning… how I laugh eagerly for simple tv commercials that she don’t even notice not until she saw me laughing at it. She envy how light my life can be that I can smile always (well she doesn’t really know me well yet, haha!). I told her I have my fair share in problems in this world and things aren’t easy as it seems to me. But I have a lot of ways to lighten up myself,, which includes music, writing and long talks with friends.

I therefore conclude in this circumstance that we are all different in every aspects of our lives – that makes us very unique and special. I often say to her… “Kanya-kanya lang yan! Kanya-kanyang bigat at gaan…” The difference is – how do we face each situations in your life- how to deal.. How much faith do you have? To lay back in times of trials and to laugh hard in facing gratefulness in life. We really do have to learn as we live. To embrace life as it is… and not to run away from it. To learn how to give and to take.. to love more.. even if it gives you nothing but hurt..

Haayy.. it’s a great time really.. we didn’t bother even if we still have work the next day.. well, I believe its worth it.. even if its raining outside… at least she… gave me a reason to smile a bit… Thank God!

Currently Playing: Live and Learn by the Cardigans

Fade Away by Sugarfree

Chasing Cars by Snowpatrol

Hand in my Pocket by Alanis Morissette