Our company got a dream project for next year, we considered it an early Christmas gift to us! In return, we have to give our best to meet all the deadlines before the year ends. Photo shoots here and there, meetings, creative brainstorming,,,everybody's just so busy. Somehow I feel so useless. Its tiring to just give moral support to your colleagues.
These are the times that I realize how much i hate my job.
God, how I wish I'm part of creative team.
I'm an accountant, Im okay with that but i cant tell if I'm happy even if I'm earning quite good.
Its just now that I get to ask myself why did I chose to be just safe. Why I wasn't brave enough to take a more creative course or something that was close to my heart?
Hayyy,, I have nobody to talk to right now, they're just too busy while enjoying the challenge this new project offers. I'm quite anxious coz I'm not with them right now. I felt unseen. Though I know for myself how significant my position holds. Ugh. I'm kinda getting bored, and I hate to consider it.
Hope Christmas Party na!
Currently Playing: The Time (Dirty Bit) by Black Eyed Peas, Fuck You by Lily Allen
"Ida Scott Taylor once wrote: Do not look back and grieve over the past, for it is gone; and do not be troubled about the future, for it has not yet come. Live in the present, and make it so beautiful that it will be worth remembering." - Lucas Scott, One Tree Hill
I'll be okay soon! :)

Currrently Playing: Middle of Nowhere by Hot Hot Heat
Kagabi, sa kasarapan ng aking pagbabasa, nakaramdam ako ng pagdyingle. Dahil don, dali-dali kong itinaob ang libro kong binabasa at nagmamadaling pumunta sa banyo. Pinindot ko ang switch ng ilaw at dali-daling naupo. Nagtaka ako ng napansin ko na walang ilaw na nagbukas – pundido na siguro ang bombilya. Maya-maya pa ay naamoy ko ang halimuyak ng albatross. Ganung ganon. Bago ito kaya malakas pa ang amoy. Maya-maya pa, may biglang nagflash-back sa aking isipan sa gitna ng dilim.
Lagi ring pundido ang ilaw ng cr namin sa dating bahay namin sa Panorama. Dahil sa walang nag-aasikaso non sa bahay, pare-pareho nalang rin kami nasanay na walang ilaw ron. Pero kapag kailangang-kailangan talaga, binubuksan namin ang ilaw sa likod-bahay na siyang kalikuran lang ng cr – para sa konting liwanag na maihahagip nito. Pagpasok dito ay maamoy na kaagad ang albatross na noon ay nakasabit sa tubo na di kalayuan sa gripo. Hindi nawawalan sa min ng albatros kasi kinasanayan na un kahit pa noong buhay pa si Mommy. As usual, kahit sa ganoong bagay ay nagiging nostalgic na agad ako. Sa ilang minuto ay may mga piling ala-ala ang napadaan sa isip ko. Tulad ng mga oras na nagmamadali kami tuwing umaga sa paggamit ng cr dahil may makulit na nakatok sa pinto na sususnod na magbabanyo. Ung kapatid ko, naririnig ko pa… “aba, ate, nilamon ka na yata ng kubeta dyan???!!” Dun din ako nagpupunta kapag ayokong marinig ang nakakarinding sermon noon ni Mommy =) Ilan lang yon sa napakarami. Maya-maya pa ay sa unahan ko na kinakapa ang pintuan,, natawa ako sa sarili nang napagtanto ko na nasa kanan bahagi na pala ang pinto sa banyo namin sa bahay ngayon. Magdadalawang taon na rin ang nagdaan mula nang umalis kami sa bahay kung saan kami lahat lumaki. Magdadalawang taon na pero sauladong saulado ko pa rin (o masasabi kong namin) ang bawat detalye ng bahay na yon,, na kung papipiliin ako, dun ko pa rin gugustuhing tumira hanggang sa pagtanda – sa tahanan ng aming napakasaya at walang kamatayang kabataan.
Paglabas ko sa cr, tinanong ko si ate, ‘Anong scent ng albatross ang ginagamit natin?” “Strawberry, bakit?” sagot niya. Nakangiti lang akong bumalik sa kinauupuan ko at nagpatuloy sa pagbabasa ng librong itinaob.
Currently Playing: Tama ka by Eraserheads
“Kay sarap sariwain ang malayang kahapon… ang hirap isiping ang layo ng noon…”