gesmunds
December is a big month for me!
Tatlong close friends ko ang ikakasal, dalawa dun ang aabayan ko.
Nagpromise ako sa sarili ko na magdi-diet na ko, para magkasya ako sa mga gown.
Pero bakit kung kelan inaayos ko ang diet ko, saka naman sobrang magparamdam ang mga temptations.
This month, my preparations for big events start. Yet I'm making a lot of violations to my own rules: cutting the carbs, lessen fat intakes, exercise. Naiisip ko, "ngayon lang naman e!" saka "ngayon lang naman ulet!" Oh my god,, I can't help but EAT!

Big Mac! Twister Fries! Muffins, muffins, muffins! Porksilogs! Ham and Cheese Croissants! Mashed Potato! Buttered Bacon & Potatoes! Sausages! All Meat Pizza! Double Cheeseburger Deluxe! Longsilogs! Gogo Sandwiches!

Sorry, di ko na nakuhang kuhanan ang mga foodtrips,, tuwing maalala ko, e naubos ko na pala. Haayyy, pano na to?
I only have a month,, ugh!



Why is cheating indeed so pleasurably and fabulously tasty??



Currently Playing: 2012 by Jay Sean
gesmunds
"Let the sun shine Let the rivers run away Coz it's a beautiful day now To play now As I close my eyes and pray Lord have mercy on me 'Coz I'm feeling kinda lonely..."

Summer noon, inaawit niya ang kantang ito,, medyo halo-halo na ung lyrics sa dulo, hindi ko na maintindihan. Ang alam ko lang ang cool ng kanta. Paulit-ulit siya, LSS niya raw. Tinanong ko ung title nung song, nagulat siya. "Hindi mo alam tong kantang to? kay Francis M. to!" Sabi ko, "Ha? Di nga, bakit di ko alam?" "Oldskul na to, himala di mo alam.." sagot niya.
Meron akong ilang album ni Sir Francis, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko nakilala ang kantang ito.. ayun na nga, ung nakakuha ako ng file, naging peborit ko narin at nagrarakenrol kami tuwing naalala namin ang kanta.

For almost 2 years now, room mate ko si Joy. Naikwento ko na rin siya ng mga ilang beses gaya rito at dito Madami na rin kaming napagsamahan. Alam na namin ang kwento ng buhay ng isat isa. Marami nang naging palitan ng mga libro at hiraman ng mga accessories. Ipinakilala niya sa kin ang mga barkada niya na ngayon e barkada ko na rin. May mga panahong nagkakatarayan, nagkakamalditahan, pero natututo naman kaming maging mature sa mga oras na kailangang pag-usapan ang mga mali. Mas nakilala ko ang sarili ko dahil sa kanya, dami kasi naming mga pagkakaiba sa point of views pero as time goes on nag-mimeet na rin. Nawitness ko rin ang progress ng relationship niya with her boyfie,, proud naman ako for them kung nasan na sila ngayon.
Kami rin ang naging refuge ng isa't isa tuwing may panget na mga araw. Di ko maipagkakaila, nung makilala ko siya at ung mga kaibigan niya, dun ako talagang sumagad sa kalokohan. Pamurningan drinking sessions for straight nights - the best! Kahit lasing, nasanay na kong bumangon ng maaga at pumasok. I know its bad pero I cant help it.
Pero dahil sa maraming headaches gawa ng hang over, natutunan ko na rin ang salitang 'No Thanks!' Masasabi ko rin naman na naka-quota na ko pagdating sa alak so kaya ko na ngayong tumanggi sa pag-gimik. Sabi nga ng ate ko, bad influence sakin si Joy, na dapat humanap na ko ng ibang room mate, pero for so many reasons,, ayaw ko. Iba kasi ung may kasama ka sa mga up and down moments mo.

Di ako nagsasawang makinig at magpayo sa kanya tuwing may major fights sila ng boyfie niya. Siya naman hindi rin nagsasawang makinig sa mga kwento ko sa love life ko.
Habambuhay kong advice sa kanya: "Hiwalay kung hiwalay! Magkaroon ka naman ng respeto sa sarili mo, hindi ung puro siya nalang!"
Habambuhay niyang advice sakin: "Maybe it's time to move on, marami pang iba dyan, itry mo uli! Ihahanap kita!"
Hahaha! wala rin nasusunod sa mga advice na un.. Isa lang ang rason,, pareho lang kaming nagmamahal at handang gawin ang lahat para dito. Suportahan nalang ng desisyon ang drama namin.
***

Biglaan siyang nakagawa ng desisyon.
Kung tutuusin wala namang magagawa. Andyan na e.
Matagal na rin niya pangarap yon kaya masaya rin siya.
Finally!
Masaya ako para sa kanya.
Un nga lang, kailangan niyang umalis.
Major major changes na naman ang drama ko.
Its either umalis ako ng bahay (dahil dodoble ang expenses ko kapag umalis siya) or may pumalit sa kanya.
Mukhang malabo ung huli.. pero sige na.. eto, baka-sakali na!
***

Guess I'm okay.. di naman ako masyadong ma-emote ngayon.
Medyo nasanay narin sa pagdating at pag-alis ng mga tao sa paligid ko.
This chapter is about to end.. bagong adventure ulit!
Actually I cant wait!
Im grateful, indeed!

Friends Forever?? Friends Forever!
I'll surely miss you girl.. (sob)


"Let the wind blow Let the wind touch my face I wanna take a little break now Shake now his is what i have to say I feel so fine So fine that it blows my mind..."

Currently Playing: Girl Be Mine by Francis M.