gesmunds
"It's not that I'm anti-social, it's just that I don't like you BIG time!"

I heard this line as an entry to Top 10 Jealous/Envy Quotes from Chico and Delamar in the Morning Rush this morning.

What a perfect timing, this is exactly my stand to a person that I recently knew.
Just as I am aware, I don't envy her or jealous at her, hello??? I just knew her.
But there's something on her that I just simply don't like.
I badly wanted to post this to my FB, Twitter and YM Status,, but I can't coz my friends know about this girl, and I dont want to make a trending posts about her., Im not that bad.
I think thats one of the downside of having everybody know your whatabouts online.
Well, thank goodness I have my Blogger! whew!


Currently Playing: I DO by Lisa Loeb

gesmunds
Hindi ako techie na tao, alam yan ng kahit sinong malapit sakin.
Sa unang pagkakataon, nagkaroon ako ng immense yearning para sa isang bagay. Kahit kelan hindi pa ako nagkaganito,, 'love at first sight' kumbaga! eto na talaga un! un tipong maloloka ako kapag hindi ko makukuha to!
SHARE KO LANG..


Naalala ko pa nong college ako, nung nauso ang celfone, Philips Savvy ang brand ng fone ko. pinagkakaguluhan na sya ng mga classmates ko dahil sa nakakaaliw niyang tone at dahil 2-liner na siya. After few months, napalitan naman un ng Nokia 6110, bumili kasi si Dad ng bagong fone kaya pasa-pasa ang paglevel up ng fone naming magkakapatid, so ung Philips ko napunta sa bunso kong kapatid. Tuwang-tuwa ang lahat ng mga nakakakita, lahat gustong humiram, lahat gustong maka-experience ng NOKIA! Lalu pa't ang ganda ng keypad, mas slim, tapos may infrared, at higit sa lahat,, may games tulad ng Snake! haha! Para sa akin wala un, gusto ko lang talaga ng may fone kasi marami akong ka-text dati. Wala akong pakialam sa brand, basta lang matibay. Hindi ko alam na un na pala ung kahuli-hulihang pagkakataon na makakasabay ako sa uso. I think mga bandang 2003 nung nahulog ng ate ko sa baha ung 6110 ko, kaya kailangan nang palitan. Medyo short na kami sa budget kaya hindi na ko nagdemand ng mamahalin. Since then, at kahit pa ngayong nagttrabaho nako, simpleng fone pa rin ang gamit ko. Walang hi-res camera, walang internet, walang memory card, walang mp3. Simpleng pantawag at text lang. Ayun. Masaya na ko dun.

***

Pagdating naman sa mp3 player, nakabili ako nun kasi mura lang naman, P2500.00 lang kaya gora na! nakatagal din siya sakin ng 3 taon. Maingat naman ako sa gamit e,, kung di sira o nawala, hindi ko pinapalitan. Un lang ang naging kaligayahan ko sa gadget, simpleng celfone at mp3 player,, kahit iwan mo ko sa isang tabi ng buong maghapon makekeri ko.

PAGBABAGO...

Sabi nga, kapag tumatanda, maraming nagbabago, sa expectations, sa motivations, sa standards, sa responsibilities, at marami pang iba.


***
I'm glad, isang taon na ako ngayong buwan na to sa kumpanya na to. Isang taon na mula nang nakawala sa masalimuot na sistema nuon na madalas kong maiblog dati. At sa paglipat ko, kasabay kong nakamit ang sweldo na gusto kong matamo mula pa non na hindi maibigay ng dati kong kumpanya. Lumevel up rin naman ang tingin ko sa sarili ko at masasabi kong kuntento na ko ngayon. Cheers to that! :)

***

Kinausap ako ng tatay ko isang araw, siguro mga ilang linggo palang mula nang lumipat ako ng kumpanya.
"Tulong-tulungan na muna tayo sa bahay ha. Alam mo naman un diba?"
- Opo, alam na alam ko pu yon.
Binigyan niya lang naman ako ng ilang mga finacial responsibilities sa bahay. Maluwag sa sakin un., walang problema. And since single pa naman ako, why not??
Bukod sa binibigay ko sa bahay, lumaki rin ang gastos ko sa nirerentahan kong bahay malapit sa opisina.


Sabi nga, "With great power comes great responsibility." tanggap ko yon. Ganun talaga, hindi na kasi ako bata. Pero keri lang!


***
Isang araw, nagkausap kami ni Joy (roommate)..


Me:
"Uy, anu yan.. Wow, bagong celfone!"
Joy: "
Oo, bumili na ko ng bago, para naman masabi na may nangyayare sa sweldo ko kahit papano.. ung tipong may nakikita ako na naging bunga ng trabaho ko..."

Uu nga naman,, bakit parang ngayon ko lang naisip un.


Masaya na kasi ako na nakakabili ako ng mga gamit na kailangan ko gaya ng damit at sapatos.., pati na rin ang kumain ng masasarap na pagkain lalo na't pagod ako, at nakakapasyal sa mga beach kahit ilang beses ku gusto.. un lang naman kasi kaligayahan ko talaga.
Hindi ako materialistic, pero kagaya ni Joy,, parang naghahangad ako ngayon ng "something" para sa sarili ko. Ung may makikita ang mga tao sa paligid ko na may bitbit akong bagay na pinaghirapan ko.
Pwera yabang.


***
E di ayun na nga.
Ang haba pa ng justifications ko! hahaha!
well,, i just want to have this new ipod touch!
hopefully makuha ko na siya next month,, or at least before the year ends... haayy!

ang mahirap kasi e ung kukuhanan ko,, ishi-ship pa kasi and all..
still crossing my fingers!

marami na kong plano gawin kasama siya,, gusto ko siyang isama sa marami kong mga lakad!
naeexcite na ko! ^_^


Currently Playing:
Otherwise by Imago
Taya by Up Dharma Down
Comfort in Your Strangeness by Cynthia Alexander
gesmunds
kanina, inayos ko ang mga picture ko sa friendster.. maya-maya nabuklat ko ang friendster blog ko. namiss ko naman bigla.. binasa ko ulit,, at may part sa akin na hindi ako makapaniwala.. akalain ko bang malampasan ko lahat ng mga nangyare sakin non.. kung ampalaya ako ngayon,, 3x pa ako dati! ganunpaman, nakakatuwa ring basahin at balikan, mas naappreciate ko kasi kung anu ang meron ako ngayon... :)

may irepost lang ako,, sa lahat ng nabasa ko,, dito ako natawa.. baliw lang talaga! sinulat ko to nung malapit na kaming ma-evict sa bahay naming mahal.

how to deal..

Posted on December 11, 2006

Yes, I understand now that
whatever life brings, there is a purpose which only happen to be unrealized yet
but it will eventually follows. I always say to myself that anywhere the wind
blows, it doesn’t matter.. I can get through. I know I can. Guess im in the
so-called “process” of moving on,, punyeta! whatever that means!

It seems that my life is in chaos. The emptiness I feel is caused by several problems settling in my way that turned my direction in a different path. Trying to focus and yet wanting
to lose control. Thinking for a solution but hopelessness and sadness gets in the way. Faint. A month or two from now things will be all different and hard for me but still I haven’t got any plan or even options for myself. Still in the state of shock? Yeah, maybe a couple of weeks now.. ugh! I allow myself to. Wail.

How to deal with changes by really trying…

As much as possible I try to avoid being senti,, I had enough especially during my insomniac hours! Im losing my appetite and whats keeping me alive and kicking are coffee and cigarettes. Sometimes I want to shout out loud, to smash things, to throw everything out of the door and watch fragile things broke into pieces! Arghh! I just imagine myself doing those but never got the courage to do so! (takot ko nalang sa daddy ko!! Hehe!)

TV got into my nerves,, I cant leave the remote alone. Work and work in the office,, chat and chat and laugh and laugh, I really need it I guess, otherwise insanity may come along. Thanks for the friends who are still around and even more challenged to handle such senselessness (the band-aid-brigade as I call it).

My current theme song: hand in my pocket – “Im lost but im hopeful.. Im free but im focused.. im green but im wise.. im sad but im laughing.. yeah! So what it all comes down to, is there anything gonna be fine, fine, fine? Coz I have one hand in my pocket and the other one is giving a peace sign!”


Im thankful I was able to overcome those.. But things are more different now, more difficult, I can tell. but as the saying goes: "This too shall pass" - I believe that!

Currently Playing: Hand in my Pocket by Alanis Morissette
gesmunds
"I wonder what she would say to me right now if she could see me and see how I've been living and I wonder if she knows most days I fall short of being the person she wanted me to be... You know my life is pretty good, it is. But I was just searching for something to make it great just something to make it matter, so, I don't know..." - Peyton Sawyer, One Tree Hill


Today is my Mom's 11th death anniversary.
Usually nagpopost ako ng tungkol sa kanya. kung kumusta na ko sa mga taon na nawala siya, kung sino ako ngayon dahil sa kanya, at kung ganu ko siya namimiss.
Pero di ko siya magawa dahil punong puno ang isip ko ngayon ng mga halu-halong bagay.

Hindi ko maintindihan, dati okay naman ako.. para sa 11 years, natanggap ko na wala na siya..

okay lang naman na maaga akong naging independent.. na naging self learner... macgyver pa nga ang tawag sakin ng friends ko kasi kahit mga imposibleng bagay nagagawa ko katulad ng pag-akyat sa likod bahay at pag-unlock ng mga pinto.

okay lang na wala akong debut party nung 18yo ako kasi wala na siya para mag-asikaso, di gaya ng sa ate ko na super engrande. sabi ko okay lang na sa beach nalang ako nagdebut kasama mga friends ko, pero deep inside, gusto ko rin ng mga 18 roses at party-party.

okay lang na hindi ko natutunan kung anu ang ibig sabihin ng graceful at sweet sa pagiging isang babae, ung daddy ko kasi masyadong matigas, ni hindi nga kami niyayakap nun e., hindi rin marunong magsabi ng kind words.. barkada ko pa puro lalaki, so kumusta naman ako??!

Lagi kong naiisip na okay lang ako, na naka-move on na ko since nawala siya..
Pero ngayon bakit andami dami kong tanong...

Mommy..
dati nung bata pa ko masaya na ko pag pinaghahati-hati mo saming magkakapatid ang isang balot ng m&m at kisses, bakit po ngayon hindi ako makuntento kahit andami dami ko nang kayang bilhin?

dati ang saya-saya nating buong mag-anak na nagsisimba twing linggo,, bakit po ngayon parang ang layo-layo ko na kay lord?

dati sabi nio sakin may tamang oras ang paglalaro. sa umaga hanggang 8-10 lang ako dapat nasa labas kasi masyado nang mainit, sa hapon naman 4-6 lang dapat kasi masama na maglaro sa gabi. sa ngayon po, kelan ko po ba masasabi kung dapat na kong tumigil o pwede pa kong magpatuloy?

lumaki ako na masayahin at alam nio po na dahil yun sa marami kong kaibigan. pero ngayon na marami nang nagbabago at marami nang umaalis, unti-unti kong naramdaman ang sakit dahil sa pagkawala nila.. bakit po parang nahihirapan na ulit akong magmahal?

bakit po natutunan ko na hindi umaasa sa iba pero nakakaramdam ako ng inggit sa iba na hindi kaya mabuhay nang walang ibang tao sa buhay nila?

bakit po hindi ako natutong maging sweet? para tuloy lagi kong ipinipilit ng sarili ko sa iba?

maliban po sa mga recipe na naituro nio sakin,, anu po bang recipe ng happiness? sana naishare nio sakin yan kasi dati parang ang saya-saya ng buhay nio.

Look at the brighter side of everything ika nga... Pero mula pa noon, un na ang mind-setting ko kaya masasabi ko na okay lang ako.. lagi akong nakangiti, masaya. pero may mga panahon na hindi ko alam kung totoo pa ang mga ngiting un. Minsan hindi sapat ang 'looking at the bright side of everything'. Andaming nawala sakin nung kinuha siya ni lord. andami kong gusto malaman na hindi kayang ibigay ng ibang tao, siya lang, kaso wala na siyang pagkakataon, ganun din ako. Marami pa pala akong dapat natutunan, sana mas nakilala ko pa siya., pero alam ko sa pagkakataong ito wala naman akong dapat sisihin. Life goes on pa rin ang drama ko at magiging paulit ulit nalang ito.

Ang daming nagsasabi na sobrang kamukha ko daw kayo lalo na nung dalaga pa kayo. :)
I miss you 'My! un lang naman ang gusto kong sabihin. Kahit short lang naging pagsasama natin, nakatatak na un sa isip ko, at kahit 11 years na ang nakalipas, hinding hindi ko pa rin nalilimutan ang bawat sandaling un.

I love you 'My! Hanggang sa muli nating pagkikita! :)


Currently Playing: Time in a Bottle by Jim Croce, Dare You To Move by Switchfoot,