gesmunds
Sa mga oras na ito...

Nananalangin po ako para sa mga kababayan kong apektado ng bagyong Ondoy...

Sa tito ko na napag alaman kong nasa ibabaw ng kanilang bubong at naghihintay ng paghupa ng baha...
Sa mga napapanood ko na nasa evacuation center na naghihintay ng mga tulong...
Sa mga magulang na nawawalan ng mga anak...
Sa mga anak na nawawalan ng magulang at kasama...
Sa mga tao na nadala ng rumaragasang tubig dulot ng baha...
Sa mga taong namatayan ng mga kapamilya't kaibigan...
Sa mga nawawalan ng pag-asa dahil sa trahedyang ito...
Ipinagkakatiwala ko po ang lahat sa inyo..

Gayundin ay nagpapasalamat din po ako sa inyo, Panginoon ko...

Sa kaligtsang ipinagkaloob ninyo sa akin, sa aking pamilya at sa aming bayan na hindi nasayaran ng tubig baha sa loob ng aming tahanan...
Sa mga kababayan ko na nagsisimula nang makipagbayanihan sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon sa mga nasalanta at ngvvolunteer...
Sa mga kababayan na ngbibigay pag-asa sa mga kapwa Pilipino na nasa bingit na ng kahinaang loob...
Sa mensaheng gusto ninyong ipahatid sa amin sa pangyayaring ito...
Mangyari po nawa ang naaayon sa kalooban niyo...


Amen.
gesmunds
Bago ang lahat, gusto ko munang gawin to..


Haaaayyyyyy!!!!!!!!!!


Para sa lahat-lahat ng nangyare sa loob ng mahigit isang linggo… whew!!!

Naranasan ko ulit ang maging unemployed. Pinili ko muna magpahinga sa lahat ng normal na gawain at magpaka-bum. Marami akong gustong gawin kaso hindi sapat ung isang linggo na pahinga.. gayumpaman,, masaya ako at may makabuluhan at makulay na nangyare sa buhay ko sa loob ng mga araw na yon. :)

sa sobrang saya ko, pakiramdam ko nasa ulap pa ko, hehehe! sa susunod na post nalang ako magkkwento tungkol dun...


mejo wala pa ako sa sarili ko nang nagbukas ako ng blogger account ko... sa hindi ko inaasahan, may mga surpresa palang naghihintay sa akin!

^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^

sa totoo lang, hindi pa talaga ako ganun kasanay sa mga bagay-bagay tungkol sa blogosphere..

natutuwa lang talaga akong magbasa tungkol sa mga self expressions and sharings ng mga blogista...

at isa pa, hindi ko maipagkakaila na masarap din ang pakiramdam na ma-appreciate ng kapwa blogista ang mga sinisigaw ng isip ko na naipararating lamang sa pamamgitan ng pagsusulat dito.


masaya ako dahil ngayon lang ako nakakuha ng award! :)

kahit kailan e hindi naman ako nasanay na tumanggap ng mga awards/recognitions dahil isa lang akong simpleng tao,, masaya lang ako na may kumakausap sakin, ok na un. :)

kaya naman sobrang nagpapasalamat ako kay Czaroma ng A Woman Remembers para sa Strengthen Friendship Award na shinare niya sakin..

The award above signifies:

Green : symbolizes the new buddies
Yellow : represents the guys who are always active
Blue : symbolizes the bloggers with PR
Platform Red : symbolizes that we are all equal and that we are brothers and sisters

Here are the rules for the award:

1. Create a post as above.
2. Include the link Giver Award.
3. For colleagues who have not followed this site or not exchange links, please follow or exchange links with me.
4. Copy-paste the image above


at dahil dyan, ipinapasa ko ngayon ang award na ito sa mga bago kong kaibigan dito sa blogosphere... sana ay magpatuloy pa ang friendship at patuloy pa rin kayong maka-inspire ng ibang beginners na katulad ko.. :)

maraming salamat!!!


ipagpatuloy ang daloy ng alon... :)


Basyon
Chikletz
Reigun
Deth
Homer


^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^

at sa iyo Basyon, salamat sa pag-follow mo sa akin...
hindi ko alam ang ang ibig sabihin ng follower, pero pinindot ko lang basta..
e aun, nakakatuwa na meron rin pumatos!
isang magandang surpresa ito para sa akin!!!
Take care of yourself and Avril! :)

Currently Playing:

Here Comes the Sun by Sheryl Crow
gesmunds
gumising ako kaninang umaga, nagmamadali.. dahil lagi nalang ako nalelate ngayon sa trabaho... last week ko naman na kaya hindi nako sinisita.. pagdating sa office,, timpla ng kape.. sabay nagpatawag nako ng meeting ulit para sa pagtturn over ko. busy buong maghapon... hanggang sa namataan ko kung anung petsa na ngayon...

September 9, 2009.

isang linggo nang naka-on ang alarm ko para sa araw na ito... hindi ko nalimutan pero hindi lang ako makapaniwalang ngayon na pala un... ang bilis ng panahon,, hindi ko namalayan.. ika-10 taon na pala nang kinuha ka ni Lord sa piling namin.

plano ko umattend ng Mass para sayo. at dahil kinailangang mag overtime, hindi ko na nagawa. tumawag ako kay ate,, malungkot niyang ibinalita sa akin na may sakit siya at hindi niya kayang pumunta sa bayan para makapagsimba gawa walang mag-aalaga sa mga bebi niya. pero pare pareho kaming nagdasal para sayo.

sa loob ng sampung taon, kahit masakit ang paglisan mo, hindi ko mapigilan ang pagiging proud na ikaw ang Mom ko! tuwing napag-uusapan ang mga nanay talagang hindi ako nawawalan ng kwento tungkol sayo. tuwing may nakikilala akong mga kaibigan na may nanay pa, inggit na inggit ako.

iniisip ko tuloy kung kasama pa kita,, malamang numero unong tagasupsrta ka sa mga pinagsususulat ko! siguro lagi tayong nalabas, nagwiwindow shop, nakain sa labas, at nanonood ng sine. simple lang kasi kaligayahan ng mo e,, sayo siguro talaga ako nagmana. siguro ikaw rin ang madalas kong kachikahan kapag may insomia attack ako., si ate kasi lagi nakong tinutulugan pagnagkkwento ako every weekend pag umuuwi ako.

sa awa ng diyos unti-unti na rin po akong nagiging okay sa kabila ng pagiging wasak ko ngayong taon. sayang, kung andito ka,, siguradong matutuwa ka sa progress sa buhay ko, masaya ka ngayon kasi ok na ang career ko. siguro magiging proud ka rin sakin. at alam kong ikaw din ang numero unong sasaway sa mga natutunan kong bisyo.

sayang mom, sana kasama ka namin.. alam mo, naging close na ulit pamilya natin.. alam kong gustong gusto mo un..
nga pala, makukulit na mga apo mo.. :)
si dad busy sa business niya pero masaya siyang nauwi sa bahay kasi madalas kumpleto kami.

sana nga pala nakilala mo mga kaibigan ko na humihila sakin pataas. ok sila kasama, sigurado magkakasundo kayo lalo na sa videoke sessions!

sana kung nandito ka,, lagi na kitang maittreat! anung gusto mo, palabok ng jolibi o lomi ng chowking? bibili tayo! kahit anung gusto mo... naisip ko nga minsan anu kaya kung ngayon ka nagkasakit at nangailangan,, may pambili na tayo ng mga tamang gamot para sayo,, mas maaalagaan ka namin kasi kaya na namin ngayon.

hayyy,, ayoko nang maluha.. lalaki lalo ang eyebags ko. alam ko namang mas ok kana ngayon. pasensya kana kung lagi kitang naddisappoint. malabo man sabihin na iniaalay ko sayo ang bawat ginagawa ko, pero hindi ko maiwasan ang magkamali. kulang talaga siguro sa guidance. pero tama ka, may tamang timing talaga si God sa lahat ng bagay! gaya ngayon... :)

i love you Mommy! we miss you so much!

currently playing:
TIME IN A BOTTLE by Jim Croce
If I could save time in a bottle
The first thing that Id like to do
Is to save every day
Till eternity passes away
Just to spend them with you
If I could make days last forever
If words could make wishes come true
Id save every day like a treasure and then,
Again, I would spend them with you
But there never seems to be enough time
To do the things you want to do
Once you find them
Ive looked around enough to know
That youre the one I want to go
Through time with
If I had a box just for wishes
And dreams that had never come true
The box would be empty
Except for the memory
Of how they were answered by you
But there never seems to be enough time
To do the things you want to do
Once you find themIve looked around enough to know
That youre the one I want to go
Through time with

special thanks to reigun.. eto na, nagawa ko na ung post para sa mom ko! tnx! :)
gesmunds
August 21, my girlfriends and I had our night out (by the way, they are Cel, Carla, Khate and Anne, my high school close friends). It was Cel and Khate’s post birthday celeb so we decided to go somewhere we can eat and celebrate, see a movie and drink coffee after to catch up. SM Sta. Rosa was a fair place for that event.


As we enter Pizza Hut we saw familiar faces. It was Lana and Jomar, high school classmates of ours. It was weird to see them out dining alone though I heard some news back then that they really got close during college since they both studied in Manila. They said they are just friends and they have their own love lives – okay! As I said, it’s just weird.


Truthfully, Jomar was my first love. Nobody in my girlfriends knew about that, only two of my friends back in high school but I have not been with them for a long time now.

He has changed. He got fat, haha! He was cuter back in high school. I remember his sweet eyes and warm smile. Our comfortable conversations about how we hated the world and love music. We exchanged cassette tapes and CDs of Eraserheads albums, Rivermaya, PNE, Survivor, Cruisin love song selections, Scorpions and a lot more. I still have Phil Collins’ best hits album that he gave me, though it doesn’t play anymore. I remember, I lend him some song hits with chords of Eheads songs and the 1001 Book, we also shared some tips in playing guitar. I still have the drawing he gave me of Ghostfighter character, Dennis, the one with the rose. He was very good on it and I loved it. It was with him that I started to appreciate and understand every song’s lyrics from the song “Halaga”. I remember how he brighten up my day everyday in our high school years that I wonder how I managed to hide it from him and from our classmates. I’ll never forget the day he held my hand one afternoon before school departure. I still have the card he gave me before we graduate. Lastly, I still remember how I felt when he told me that he was falling for our classmate Chat, a beautiful musician.



He sat beside me. Since we never had the chance to communicate after our graduation day, we were able to talk about it that night. We shared some laugh and brief stories. I learned about his career and failed relationship as I told him mine. We talked about how he thought he was about to be married, then how he struggled to overcome a bad break up and what the pain had made him.

It’s good to know that I don’t feel the same, I mean I don’t get hurt anymore unlike before. Duh! It’s been like.. uhm.. 8… 9 years, I even don’t remember the sound of his voice! We don’t know what happened to us, we never dared to talk it out. My sister said I’ve been fooled. Well, I guess we all have our fair share of being foolish when in comes to love. I’m glad that everything was just so cool and it’s good to be hearing from him after all these years! I just wonder if he had anything to do with my love life that just quite made a little pattern that started from what happened in us. ;) Well, I just wish him – well!

I still remember a lot of things we’ve shared. I guess, that’s just the way I love, that’s the way I am. I don’t know if he still remember some of the things I’ve mentioned but if ever we’d be able to talk about this... I know we’ll be laughing so damn hard!

Currently Playing: Dear Paul by Barbie’s Cradle
Now by MYMP