gesmunds
10:30am nung pumunta kami sa Precinct 113-A ng Dita,Elem School para bumoto! Organisado naman kaso marami lang talagang tao saka mainit. Ok naman na kasama ko Daddy ko kasi kilala siya samen.. so pagpasok palang ng gate ng school, marami nang concerned citizen ang sumisigaw ng “Gesmundo – 113-A kayo!” naks! Sabay sabi, “Tito Gonzales tayo!”, “Catindig pare ah!” hehe! Sa precinct, yun kabarkada ko pang si Jonathan ang watcher kaya ok naman! Pag-upo ko, dahan-dahan ko na nilabas ang kopyahan ko na ginawa ko the night before, pero for senatoriable candidates lang yon. Sadly, wala akong kilala masyado sa mga kumandidato para konsehal. Siguro naging iresponsable rin ako sa hindi pagkilala sa kanila.

Katuwa ang pagsulat ko sa balota, mas malalaking letters ang pagkakasulat ko kapag botong-boto ako sa pangalan na isinusulat ko! Haha Sarap ng feeling habang nilalagay ko ang sariling balota sa ballot box! Whoa! Proud to be a voter! Theres a sense of pride ba! Something na natamo ko mula sa pakikialam at pag participate! Mula sa paniniwala na ako bilang indibidwal, sa hanay ng mga kabataan at manggagawa ay may magagagwa sa bulok na sistemang inasasadlakan natin ngayon patungo sa magandang bukas! Yan sa tingin ko ang karanasan na napapalampas ng ibang kababayang hindi bumoboto dahil sa samu’t saring dahilan. Kawalan ng tiwala sa sistema, kawalan ng pag-asa na na may magandang kahihinatnan pa ang Pilipinas, ang kawalan ng kamalayan at ang pinaka masakit sa lahat – katamaran! Nirerespeto ko ang kahit anumang dahilan, sabi ko nga sa isa kong malapit na kaibigan na hindi nakaboto, hindi naman
lahat ng hindi bumoboto ay hindi mapagmahal sa bayan,, dahil kahit papano nabubuhay ang pagmamahal sa bayan sa ating mga puso sa pamamagitan ng mga tradisyon, kultura at sa tuwing may laro sa Pacquiao! hiks! Ang sakin lang e hindi nila nararamdaman ang oras na may boses ka sa isang kapirasong papel. Isang bagay na ginagawan mo ng paraan ang pagkakaroon mo ng isang maayos na bukas mula sa pakikialam mu ngayon.



Saludo po ako sa lahat ng bumoto! Sa
lahat ng bigilante! Sa lahat ng MALAYA at
hindi nagpapadala sa sulsol! Sa lahat ng kandidato, manalo o matalo ay
nagtangkang mangarap ng pagbabago para sa bayan, sa lahat ng nakialam at
nakiisa! Mabuhay ka Pilipino! Mabuhay ka Pilipinas!